Kilalang aktor pasikretong gumagamit ng ‘gamot’ para kumalma sa shooting

TRULILI kaya na gumagamit ng “weeds” ang isang kilalang aktor kapag nasa lock-in shoot dahil ito raw ang pampakalma niya kapag nakararamdam ng kakaiba mula nang bumalik siya sa entertainment industry.

Matindi ang naging epekto sa aktor ng COVID-19 pandemic dahil nagkaroon siya ng depression at anxiety lalo’t umaasa sa kanya ang buong pamilya niya.

Mabuti na lang nu’ng nabigyan na ng go signal ng IATF na puwede na ulit mag-shooting o mag-taping ay lagi na siyang may project.

Magaling naman kasing umarte ang aktor kaya maraming kumukuha sa kanya at ang maganda nito ay ipinaaalam niya sa producer at director niya na under medication siya para kumalma at hindi naman nakakaapekto ito sa pag-arte niya o attitude sa set bagkus ay nagiging productive pa siya lalo.

In fairness, patago naman ang aktor kapag nagte-take ng kanyang “gamot” kaya walang nakakaalam, at pagkatapos ay nagpupunta sa banyo para maglinis ng katawan at mag-toothbrush.

Laging mabango nga ang aktor kaya hindi mo paghihinalaan na gumagamit siya ng gamot na pampakalma.

Natanong namin ang aming source kung may medical certificate ang aktor na dala para in case na may makaalam ay may ipakikita siyang dokumento.

“Not sure, pero baka naman kasi hindi naman ‘yun maglalakas-loob gumawa kung wala saka ipinaalam niya sa producer at direktor, so malinis ang intensyon, hindi ito bisyo,” sagot sa amin.

Oo nga, talagang sobrang linis ang aktor, maayos kausap at walang record ng anupaman kaya feeling namin meron naman siyang dalang medical certificate kapag nasita siya.

Sa kasalukuyan ay sunud-sunod ang projects ng aktor. Sa katunayan, pagkatapos ng isang lock-in shoot, at magkuku-quarantine lang bilang pagsunod sa health protocols atsasabak na naman sa bagong proyekto.

Read more...