Bing Loyzaga, Janno Gibbs at Manilyn Reynes
NGAYONG 2022, plano ng TV host comedian na si Janno Gibbs na makapagdirek ng sarili niyang pelikula para sa Vivamax.
Nakukulangan daw kasi ang veteran comedian at TV hosts sa mga direktor ng comedy films ngayon sa movie industry kaya nais niyang subukan ang pagdidirek this year.
Nakausap na raw niya si Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment at suportado naman daw siya nito sa nais niyang mangyari sa kanyang showbiz career lalo pa’t patuloy na lumalaki ang streaming platform nila na Vivamax.
Ilang pelikula na rin ang nagawa ni Janno para sa Viva last year, kabilang na riyan ang “69+1”, “Mang Jose”, at ang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2” kung saan kasama niya ang mga kaibigang sina Dennis Padilla at Andrew E.
Ka-join din siya sa entry ng Viva Films sa 2021 Metro Manila Film Festival na “A Hard Day” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at John Arcilla.
“Nasabi ko na kay boss Vic at sa ibang mga bosses yung nailahad ko yung hangarin ko mag-direct next year for Vivamax. So sana, nagpi-pitch na ako for Vivamax.
“Siyempre comedy rin. I think parang kulang tayo sa comedy directors ngayon kasi from my experience, lahat ng mga comedy directors na nagdi-direct sa amin nu’n nila Andrew E eh, wala na lahat.
“Ang nagdi-direct na lang sa amin ngayon si direk Al Tantay pagdating sa straight comedy. So I want to help the comedy genre para maituloy naman namin,” pahayag n Janno.
Samantala, marami naman sa mga nakapanood sa “superhero” movie niyang “Mang Jose” ang nagsabi na sana’y gumawa uli sila ni Manilyn Reynes ng romcom movie with a twist.
Bongga ang feedback ng mga nanood sa “Mang Jose” lalo na sa pagsasama-sama rito nina Janno, Manilyn at Bing Loyzaga.
“Dream project ito. Ako yung nag-request talaga for the two to be together in this movie. Now is the perfect time to do it. Kung noon namin ito ginawa medyo mahirap. I think more than anything, kaming tatlo individually we respect each other regardless of whatever happened,” ani Janno na ang tinutukoy ay ang kanilang past about love.
Pero bakit nga ba umabot ng 30 years bago sila uli nakagawa ni Bing ng project together? “Generally I think it’s because magkaiba kami ng mundo ni Bing.
“Mostly she’s in drama series, ako naman sa comedy so medyo mahirap pagsamahin yung mundo namin. But for this one, actually I requested for both Manilyn and Bing to be with me.
“Kumbaga baby ko itong project na ‘to so I wanted this to be the first time me, Bing, and Manilyn would, share the screen together,” paliwanag ng komedyante.
Palabas pa rin ang “Mang Jose” at “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2” sa Vivamax.
https://bandera.inquirer.net/301739/babala-ni-dennis-sa-mananakit-sa-mga-anak-gaganti-ako-hindi-na-ako-comedian-nun-action-star-na-ako