Coco Martin at Lito Lapid
HANGGANG ngayon ay marami pa ring namba-bash at nanlalait kay Sen. Lito Lapid bilang isang politiko.
Kahit ilang taon nang nagsisilbi bilang public servant ang dating action star ay may mga kumukuwestiyon pa rin sa kakayahan niya bilang mambabatas.
Pero ayon sa actor-politician na more than 30 years na sa mundo ng public service dedma lang daw siya sa mga haters at bashers dahil wala naman daw siyang social media accounts.
Nagbigay naman siya ng mensahe sa lahat ng mga taong patuloy na nanlalait at napakababa ng tingin sa mga artistang nasa politika.
“Marami namang magagaling na artista (na politiko). Siguro, isa ako sa kinukutya dahil hindi naman ako nakapag-aral.
“Dahil high-school graduate lang ako, ‘di ako marunong mag-English at hindi ako marunong makipagdebate sa mga magagaling dahil puro abogado ‘yun,” pahayag ng senador.
Ngunit kung experience raw ang pag-uusapan, “Nakakatatlong term na ako sa Senado. Bihira ho ang makatatlong term or second term na mananalo ka bilang senador kung wala kang ginawa na mabuti. Malalaman naman ng tao kung may ginagawa ka o wala.”
Samantala, ikinatuwa rin ng aktor na nakabalik na uli sa showbiz ang veteran actor na si Julio Diaz matapos makalaya sa pagkakakulong nang dahil sa droga.
Kasama nila si Julio sa bagong pelikula ni Brillante Mendoza na “Apag” (hapag) isang Kapampangan movie na pinagbibidahan ni Coco Martin with Jaclyn Jose and Gladys Reyes na mga tubong Pampanga rin.
Kaya naman nagpapasalamat si Sen. Lito kay Direk Brillante dahil talagang binibigyan nito ng pagkakataon ang mga artistang nagkamali at nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.
Aniya, nagulat pa nga siya nang makita sa shooting nila si Julio, “‘Ano, dito ka na? Parang tumaba ka, ah! Hiyang ka du’n (kulungan). Balik ka na.’ Niloloko ko,” kuwento pa ng veteran actor nang makachikahan ng ilang members ng entertainment press kamakailan nang ipakilala niya ang first nominee ng Pinuno party list na si Howard Guintu.
Pahayag pa ng senador sa pagbabalik ni Julio, “Lahat naman na naligaw nang konti sa ano… kapag walang trabaho… si Coco naman, pinapasok niya sa Probinsyano. Binibigyan niya ng trabaho.”
https://bandera.inquirer.net/301815/lito-lapid-shookt-sa-style-ni-direk-brillante-mendoza-bahala-ka-sa-mga-dialogue-mo-walang-script
https://bandera.inquirer.net/294683/rica-kinilig-sa-sorpresa-ni-vp-leni-agot-sinupalpal-si-lito-atienza