‘Dear Uge’ ni Eugene matsutsugi na: All things, even the good ones have to end…

Eugene Domingo

MALUNGKOT na balita ang ibinahagi ng Kapuso TV host-comedienne na si Eugene Domingo sa kanyang mga tagasuporta at social media followers.

Bago tuluyang matapos ang  2021, ipinaalam ni Uge sa mga Kapuso viewers na magpapaalam na ang kanyang weekly drama-comedy anthology na “Dear Uge.” 

Sa kanyang Instagram account idinaan ng beteranang komedyana ang hindi kagandahang balita na kanyang ipinost last Friday, Dec. 31, habang naghahanda na nga ang lahat sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“Dear loyal viewers, I hope you are celebrating the holidays with hope, faith and charity.

“Anyway, I would just like to share with you this…

“Our show premiered in Feb. 2016 and has been a part of many wonderful memories in my life since then,” ang bahagi ng IG post ni Uge.

Kasunod nito, nagpasalamat din siya sa lahat ng mga manonood na sumuporta sa “Dear Uge” mula noong magsimula ito sa GMA 7 hanggang sa nalalapit nitong pagtatapos.

“Thank you very much to everyone who has been a part of this show that surpassed all challenges encountered in keeping a show alive & exciting! 

“But all things, even the good ones they say, have to end.

“Congratulations to the team! I hope to work with you again. Thank you so much @gmanetwork for the opportunity.

“Catch the last few episodes of Dear Uge in January 2022!

“Happy new year & Happy new beginnings, everyone!” ang mensahe pa ni Uge.


Tumagal din ng anim na taon ang “Dear Uge” kaya siguradong nalungkot din si Eugene nang ibalita sa kanya ng GMA management na tatapusin na ang programa.

Pero sa dami ng mga bagong show na ipinasilip ng Kapuso Network sa ginanap na New Year countdown kamakalawa, kabilang na ang franchise ng “Family Feud” at “Running Man Philippines” baka naman may bagong ibigay kay Uge

https://bandera.inquirer.net/285021/eugene-may-bagong-paandar-sa-dear-uge-ayra-miss-na-ang-tawanan-sa-set-ng-heartful-cafe

https://bandera.inquirer.net/292365/hindi-ko-inakalang-masasaktan-ako-at-ang-mga-bata-nang-ganun

Read more...