Marian Rivera & Dingdong Dantes, Heart Evangelista & Chiz Escudero
PARA sa Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista, maituturing niyang isang “rollercoaster” ride ang nagdaang taong 2021.
Inalala ng lead actress ng GMA primetime series na “I Left My Heart In Sorsogon” ang naging takbo ng kanyang buhay at career last year.
Sa kanyang social media account, ibinahagi ng tinaguriang Queen of Creative Collaborations ang bonggang photo nila ng asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.
Aniya sa caption, “I’m beyond grateful to cap off 2021 with the whole family.
“We’ve been on a rollercoaster for the past year and learned valuable lessons we can bring with us forever,” pahayag pa ni Heart sa kanyang Instagram post.
Dagdag pa niyang message, “Let’s take time to look back and appreciate how much we’ve grown and look forward to what the future has in store for us. Wishing you all a Happy New Year!”
Nauna rito, nagbigay din siya ng Christmas message para sa lahat ng Filipino at binalikan ang mga natutunan at realizations niya nitong nagdaang 2021.
“The big shift in our lives made me practice gratitude even more and express my love to my family every single moment,” pahayag pa ni Heart.
* * *
Nagbigay din ng mensahe at paalala ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa mga Filipino sa pagpasok ng 2022.
Ayon sa award-winning actor, matitinding pagsubok pa rin ang pinagdaanan ng bansa sa nakaraang taon pero ang mahalaga ay ang ipinakikitang tapang at pagsusumikap ng bawat Pinoy.
Nag-post si Dong sa Instagram ng litrato niya kasama si Marian at ang dalawang anak na sina Zia at Ziggy Dantes na kuha sa isang beach resort.
Ang isinulat niya sa caption, “Hindi naging isang mapayapang biyahe ang 2021 para sa ating lahat: nandiyan pa rin ang mga hamon na dala ng pandemya, marami sa atin ang nawalay sa pamilya, nawalan ng hanapbuhay, at naiwan ng mga minamahal sa buhay.
“Ngunit isa ang nanatiling totoo at nangibabaw sa ating lahat: kayang higitan ng pagmamahal natin ang mga hamon na ito,” pahayag ni Dingdong.
Pagpapatuloy pa niya, “As we round out this year and welcome another one, I hope we all continue to fight despite the struggle, believe despite the doubts, and love despite the pain.
“Our Squad wishes everyone a safe, meaningful, and prosperous New Year!” sabi pa ng Kapuso star.
Sa kanyang IG page naman, nagbahagi si Marian ng photo nila ng asawa na may caption na, “Wishing you and your family a very happy new year! Cheers to 2022!”
https://bandera.inquirer.net/286293/dingdong-kay-marian-napakaswerte-ko-na-siya-talaga-ang-naging-asawa-ko