Rita Daniela at Ken Chan
IBINUKING ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Execom spokesperson na si Noel Ferrer na nagagalit ang mga fans ng magka-loveteam na sina Rita Daniela at Ken Chan.
Nangangampanya raw kasi sila na mananalong best actress at best actor ang dalawa para sa entry nila sa MMFF 2021 na “Huling Ulan sa Tag-araw” pero hindi nga ito nangyari.
“Tapos nagulat na lang na hindi sila nominated yung dalawa pero nanalo naman sa Best Theme song, at least hindi na-zero,” pahayag ni Noel sa panayam niya sa “Cristy Ferminute” kahapon.
Balik-tanong ni ‘Nay Cristy, “Pero teka bakit n’yo inisnab sina Rita Daniela at Ken Chan, e, ang ganda-ganda nu’ng Huling Ulan sa Tag-Araw, bakit?”
Ang nasabing pelikula ay idinirek ni Louie Ignacio produced by Heaven’s Best Entertainment aylt puring-puri ito ng lahat ng mga nakapanood sa ginanap na press preview.
“’Nay iba naman kasi may mga kalaban din naman silang iba. Okay naman ‘Nay kaya lang sabi ko kung mapapanood ninyo ang mga pelikula, ‘yung mga artista (pag may gagawing movie), nagpapayat sila o nagpapataba, depende sa role na gagampanan.
“Nay naman! Si Rita Daniela ay isang dying cancer patient. Sabi nga siya na yata ‘yung pinakamalusog na dying cancer patient. The physicality of their role, siguro effective ‘yan sa soap opera na hindi mo hahanapan ng (katotohanan),” paliwanag ni Noel.
Sabi naman ni Nanay Cristy, “Oo nga dapat ang gumanap doon si Kris Bernal (dahil sobrang payat at parang maysakit). Ha-hahaha!”
Natawa rin si Noel sa pagbanggit ng “CFM” host sa pangalan ng aktres.
May binasang mensahe si ‘Nay Cristy na kapitbahay niya si Rita Daniela sa isang condo building at payuhan daw na magpapayat.
Tawa naman nang tawa si Noel, “Pumayat na siya. Kung ngayon niya ginawa ‘yung Huling Ulan sa Tag-Araw baka kapani-paniwala.
“’Nay kasi ganito ‘yun, ikukuwento ko ‘yung isang eksena. Mamamatay na siya parang ganu’n kasi may cancer tapos ikakasal sila. So, sa aisle naglakad, ‘Nay bumuwal dead weight! Kayang-kaya ni Ken Chan (buhatin). Hindi tumulong si Richard Yap o si Lotlot (de Leon).
“Si Ken Chan binuhat tapos itinakbo na akala natin sa hospital pupunta ‘Nay, hindi! Sa’n pumunta, sa Pagsanjan (Falls) o kaya mo?” aniya pa.
Natatawang sabi ni ‘Nay Cristy, “Okay kapatid ngayon alam na natin kung bakit walang award na nakuha ang pelikula nina Ken Chan at Rita Daniela.”
Tawa rin nang tawa si Romel Chika nang marinig ang kuwento.
At bago namin tapusin ang balitang ito ay nagpadala kami ng mensahe kay Noel kung ano kaya ang masasabi ni Direk Louie sa mga pahayag niya.
“Tayo pa ba kapatid, nagsasabi tayo ng totoo. Ha-hahaha!” sagot niya sa amin
Samantala, ipinaliwanag din na 300 sinehan lang ang nag-participate sa pagbubukas ng 2021 MMFF na dating 900 nationwide pero dahil mahigit isang taon at kalahating hindi ginamit ay marami ang nasira tulad ng telon na dumilim at ang ibang mga parts ay sa ibang bansa pa kukunin.
Bukod sa 300 sinehan ay 50% lang ang pinapapasok kaya talagang mahina pa rin ang resulta. Kaya sana matapos na ang pandemya para bumalik na ang sigla ng taunang Metro Manila Film Festival.
https://bandera.inquirer.net/300499/rita-daniela-biglang-napaiyak-sa-presscon-tinawag-na-partner-in-life-si-ken-chan
https://bandera.inquirer.net/292119/rita-ken-nagluluksa-rin-sa-pagpanaw-ni-mahal-sunud-sunod-na-pasabog-sa-pagtatapos-ng-ang-dalawang-ikaw