Relasyong Jun Lana-Perci Intalan wala nang part 2; babalik sa US para mag-divorce

Perci Intalan at Jun Lana

NASULAT namin dito sa BANDERA kamakailan ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawang Direk Perci Intalan at Jun Lana na nananatili pa rin namang magkaibigan hanggang ngayon.

Nagkaroon na sila ng kasunduan bilang co-parents sa kanilang dalawang anak na edad 6 at 4. Pero ang latest nga ay mauuwi na sa divorce ang lahat since sa New York City, USA naman sila ikinasal.

Ito ang update sa sitwasyon ng dalawa na inakala ng mga nakakikilala sa kanila ay magkakabalikan pa dahil sa iisang bahay pa rin sila nakatira pero hindi na pala.

Ito’y base na rin sa kuwento ng malapit na kaibigan ng dalawa na si MMFF Execom spokesperson Noel Ferrer kina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika sa online show nilang “Cristy Ferminute” kahapon, Dec. 31.

“Magpa-file sila ng divorce babalik sila sa New York kung saan sila ikinasal para ayusin ang lahat.  Balikan ‘yung ritual para malinis cuentas claras ang lahat,” bungad ni Noel kina ‘Nay Cristy.

Tinanong pa raw ni Noel kay Perci, “Kailangan bang gawin ‘yun Perci?”

“Oo to start anew,” sagot daw ni PMI (tawag namin kay Perci).

“Nagulat tayo kasi si Perci ‘yung taong hindi nagsasalita kaya bakit may press release? Ang joke ko nga, ‘naku tinabunan n’yo ‘yung promo ng pelikula n’yo ha?’ 

“Sila ang totoong Big Night (entry sa MMFF 2021) Nanay, ‘yun pala ‘yun. Sabi nga nila (PMI at Jun), we survived the pandemic but the relationship did not. ‘Yun siguro ‘yung pagbabalik natin sa mga relasyon natin ‘yung tipong hindi tayo naghahanap ng relasyon for the moment kundi isang relasyon na tatagal kahit may pandemya.

“Siguro nanibago sila ‘Nay na magkasama na the whole time kasi may mga couples na may kanya-kanyang buhay tapos nagkikita lang sa gabi at nag-uusap, may mga bagong experiences. E, dito parang nakatutok talaga sila,” tuluy-tuloy na kuwento ni Noel.

Nabanggit din ng “CFM” host na isa rin siguro sa dahilan ay ang lock-in shoots na hindi nagkikita nang matagal.

Samantala, ninanamnam pa rin ng ex-couple na sina direk Perci at Jun ang pagkapanalo ng pelikula nilang “Big Night” sa nakaraang 2021 Metro Manila Film Festival na halos lahat ng major awards ay naiuwi nila tulad ng Best Actor, Best Supporting Actor, Best Director and Screenplay, Best Picture, Best Musical Score at ang special award na Gender Sensitivity.

Ang Cignal, Quantum Films at ang pag-aari nilang IdeaFirst Company at Octobertrain Productions ang producer ng “Big Night” na lumakas ang hatak ngayon sa moviegoers matapos manalo ng awards.

‘Yun nga lang hindi kasing lakas noong mga nakaraang taon dahil 900 cinemas dati ang kalahok nationwide nu’ng wala pang pandemya pero ngayon ay 300 theaters lang ang binuksan.

“After one year or almost two years na hindi ginagamit ang sinehan, ‘yung telon dumidilim. Anything na hindi natin ginagamit for a year and a half, nasisira tapos ‘yung mga parts kukunin pa abroad, so, 300 lang ang nagbukas at hindi pa tayo sure sa 300 na yan kasi Visayas and Mindanao sinalanta ni Odette (super typhoon).  

“Ang priority nila survival hindi panonood ng sine. Tapos pagpunta mo ng sinehan 50% lang ang papasukin, so ano na lang?” esplika ni Noel.

At ang nananalo nga raw sa takilya ngayon ay ang dalawang horror films na “ExorSis” mula sa TIN Can at Viva Films at “Huwag Kang Lalabas” mula sa Obra Cinema.

https://bandera.inquirer.net/300892/exclusive-perci-intalan-umamin-na-sa-tunay-na-dahilan-kung-bakit-sila-naghiwalay-ni-jun-lana

https://bandera.inquirer.net/300077/jun-lana-perci-intalan-hiwalay-na-we-request-for-privacy-as-we-navigate-this-transition

Read more...