Christian Bables at Spiderman
PINATULAN ni Christian Bables ang isang netizen na nang-okray at nanlait sa mga pelikulang kalahok sa ginaganap na Metro Manila Film Festival 2021.
Si Christian ang itinanghal na Best Actor in a Leading Role sa MMFF 2021 Gabi Ng Parangal last Dec. 27 para sa official entry nilang “Big Night”.
Sinupalpal ng binata ang basher, pati na rin ang iba pang netizens na mas gusto nilang panoorin ang latest “Spiderman” kesa mag-aksaya raw sila ng pera at panahon sa mga MMFF movies this year.
Marami ring Pinoy ang nagrereklamo dahil naurong daw ang playdate at pagpapalabas ng “Spiderman: No Way Home” sa mga sinehan nang dahil sa taunang filmfest.
Na-delay ang Philippine showing ng nasabing Hollywood movie at sa halip ipalalabas na ito simula sa Jan. 8, 2022 pagkatapos nga ng MMFF.
Sa kanyang social media account, ni-repost ni Christian ang isang tweet tungkol sa kulang na kulang na pagsuporta ng mga Filipino moviegoers sa filmfest.
“Y so salty on MMFF? Dis isnt d 1st tym na nagdedelay sila ng foreign films during MMFF week. We can hav Spiderman all we want after nman eh.
“‘Big Night,’ ‘Kun Maupay Man it Panahon,’ & ‘A Hard Day’ look promising.
“We cant expect our film prod to improve if we’ll not support it,” ang nakasaad na mensahe sa ni-repost na tweet ni Christian.
Ito naman ang caption na inilagay ng aktor, “‘We can’t expect our film prod to improve if we’ll not support it’. Louder for the people at the back.”
Maraming nag-like at nagkomentong Twitter users sa ipinost ng binata ngunit may mga nambasag din sa kanya tulad ng isang netizen na napa-“yuck” pa sa kanyang comment.
“They showed these movies over spiderman NWH (no way home)??? yuck! nilangaw tuloy mga sinehan!” pang-ookray ng hater.
Hindi naman pinagsalitaan ng masama ni Christian ang basher sa halip pinagsabihan niya ito ng, “Ui maganda din mga films na yan. Hahaha. p*ta pati nga si Spiderman katabi ko sa sinehang manood ng #BigNight ano ba.”
In fairness, kinampihan naman ng kanyang fans at followers ang aktor at sinabihan ng kung anu-anong masasakit na salita ang basher. Talagang kuyog kung kuyog ang ginawa sa kanya ng mga nagtanggol sa mga pelikulang kasali sa MMFF.
Samantala, ipinost din ni Christian sa Facebook ang screenshot ng kanyang tweet at nilagyan ng caption na, “Ganito sumagot. #BigNight.”
https://bandera.inquirer.net/300973/christian-bables-kay-direk-jun-lana-natatakot-po-ako-sa-kanya-na-nahihiya
https://bandera.inquirer.net/301298/bakit-kaya-hindi-pinilahan-ang-unang-araw-ng-mmff-2021