PINABULAANAN ng TV executive ng ABS-CBN ang tsikang babalik na si Willie Revillame sa Kapamilya station. Nagtataka nga raw ang mga bossing ng Dos kung saan nanggagaling ang nasabing balita gayung wala naman daw nababanggit sa kanila tungkol dito.
“Wala namang usapang ganu’n during our management meeting, kung mayroon, it should be discussed, e, wala talaga. Saka may kaso pa siya sa ABS, paano ‘yun?” katwiran sa amin ng aming source.
Welcome pa ba si Willie sa ABS-CBN? “Ay hindi ko masasagot ‘yan kasi hindi naman ako ang magde-decide, ang may-ari mismo at ‘yung iba pang mga namamahala sa istasyon,” mabilis na sagot sa amin.
Samantala, nabanggit din ng aming kausap na lupa lang daw ang pag-aari ni Willie sa kinatatayuan ng Will Tower na matatagpuan sa may audience entrance ng ABS building, “It’s Manny Villar’s building.
Pangalan ni Willie ang ginamit kasi sa umpisa kanya naman talaga, I don’t know, may pag-uusap naman sila.” At nabanggit nga na ngayong araw, Linggo ang opening ng Will Tower at si Sen. Manny Villar nga raw ang magpuputol ng ribbon.
“I heard, they will be displaying lots of luxury cars. Basta, humingi na ng permiso sa barangay na isasara ang daanan ng ELJ Street for their visitors,” say sa amin ng executive ng Dos.
Wala naman daw natatanggap na imbitasyon ang kausap naming TV executive para sa opening ng Will tower, “I don’t know with Charo (Santos-Concio) or Gabby (Lopez), baka sila pinadalhan, ako wala.”
Nakatakda na ngang mamaalam ang programang Wowowillie sa TV5 sa darating na Oktubre, at balitang aasikasuhin na lang muna ni Willie ang kanyang mga negosyo, bukod pa sa pagtutok sa kanyang health condition.
( Photo credit to Google )