Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Meralco vs. Air21
6:30 p.m. Petron vs. GlobalPort
HINDI pumutok sa opensa ang mga pambato ng San Mig Coffee ngunit dahil sa matinding depensa ay nagawa pa rin nitong ihirit ang 81-77 panalo kontra Barako Bull sa PBA Governors Cup Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
“We can be a great defensive team when we need to be,” sabi ni San Mig coach Tim Cone. Hindi pina-iskor ng Mixers ang Energy sa huling 1:52 ng laro para mabura ang apat na puntos na kalamangan ng Barako Bull.
Ang two-time MVP na si James Yap ay tumira ng 1-of-12 mula sa three-point area habang sina Peter June Simon at Marc Pingris ay umiskor ng pinagsamang 13 puntos lamang para sa San Mig.
Ito ang ikalimang panalo ng San Mig sa walong laro. Ang import ng Barako Bull na si Mike Singletary ay tumapos na may 38 points at 15 rebounds ngunit nagkamit ng 10 errors.
Samantala, hangad ng Air 21 na ipagpatuloy ang pag-angat sa pagharap nito sa Meralco mamayang 4:15 pm sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Sa ikalawang laro sa ganap na 6:30 p.m. ay wawakasan ng Petron Blaze ang nine-game schedule nito sa pagkikita nila ng Global Port. Nakatiyak na ang Boosters ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Sa pangunguna ng bagong player nitong si Paul Asi Taulava ay ginulat ng Air21 ang Talk ‘N Text, 106-102, noong Biyernes.