Hindi po ako perfect, nagkakamali at nabubulol pa rin ako – Andrea Brillantes

Seth Fedelin at Andrea Brillantes

IN FAIRNESS, kahit sikat na sikat na ang tambalang Andrea Brillantes at Seth Fedelin, nananatiling nakatapak sa lupa ang kanilang mga paa at wala pa ring kaere-ere.

Pinatunayan yan ng mga nakakatrabaho nila sa iba’t ibang proyekto pati na ng mga baguhang artista ng ABS-CBN na kasama nila sa bago nilang serye, ang “Saying Goodbye” na unang collaboration ng ABS-CBN Entertainment at ng international streaming site na iQiyi.

Sa nakaraang virtual mediacon ng “Saying Goodbye”, natanong ang SethDrea kung ano ang feeling na sila naman ngayon ang bumibida sa kanilang mga proyekto kasama ang mga bagong loveteam ng Kapamilya network.

Isa na nga riyan ang tambalang KoDrea nina Andrea “Andi” Abaya at Kobie Brown na nabuo rin sa “Pinoy Big Brother Connect” last year.

Pahayag ni Andrea, “Nakakatawa kasi ate ko si Ate Andi, e! Mas matanda siya sa akin.” Turning 20 na si Andi sa Jan. 8, 2022 habang 18 naman si Andrea.

Ayon sa ka-loveteam ni Seth, kahit 10 years na siya sa showbiz hindi naman daw siya nag-feeling “entitled” para ipamukha sa mga baguhang artista na nauna siya sa mga ito.

“Actually, hindi ko po kasi talaga inisip, never kong inisip na kahit ang tagal ko na rito, hindi ako naging entitled at saka ayoko kasing maging ganu’n.

“Mas inisip ko lang na pantay-pantay kaming lahat at saka kasi ako rin naman hindi naman ako laging perfect.

“Nagkakamali pa rin naman po ako, nabubulol pa rin naman ako, and naku-correct pa rin ako ni Direk (Dolly Dulu). Sometimes, hindi rin naman tama, minsan nabubulol din naman ako. Alam din naman iyon ni Direk.

“So sa akin, hindi ko po kasi talaga inisip na ganu’n ako, ayoko din. Ayoko,” lahad ni Andrea.
Para naman kay Seth, “Ako po, hanggang ngayon po. Sa Huwag Kang Mangamba, bago kami umalis, nagtatanong din naman po ako kung anong mga kulang sa akin para kapag ano, ia-apply ko po sa akin kung may next na project akong gagawin.”

Nagsimula ang showbiz career ng binata noong 2019 sa seryeng “Kadenang Ginto” matapos ang naging journey niya sa “Pinoy Big Brother: Otso.” 

Patuloy pa ng young actor, “Ako, pinagdaanan ko rin po iyong mga kaba kaba na iyan, grabe rin po akong kabahan dati. Diyos ko, hindi ko kayang magsalita sa harap ng camera!”

“Sa Saying Goodbye po, team kami lahat, team kaming lahat and gusto ko na maging open ako sa co-actors ko, kela Nio (Tria), Andi, Kobie at gusto ko ring maging open sila sa amin para iyong kakalabasan po, talagang maganda ho.

“Iyon po iyon, e, nabubuo iyong magandang ano kapag lahat ho, e, open sa isa’t isa,” pahayag pa ni Seth.

https://bandera.inquirer.net/298554/seth-fedelin-na-pressure-sa-bagong-serye-may-mga-english-lines-kasi-yun-ang-pinroblema-ko
https://bandera.inquirer.net/299732/andrea-seth-may-mensahe-tungkol-sa-kamatayan-wag-siyang-natin-tingnan-bilang-deadline

Read more...