Hanz Cua
HANDA na ba kayong salubungin ang pagpasok ng 2022? May mga pampaswerte na ba kayong ihahanda sa pagse-celebrate ng Media Noche sa Dec. 31?
Naging kaugalian na at bahagi na nga ng tradisyon ng sambayanang Filipino angmga pamahiin at pagsunod sa feng shui para maging masuwerte ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Siguradong aligaga na ngayon ang karamihan sa atin sa pagpe-prepare ng mga ihahanda sa Media Noche at para makatulong sa paghahanda ng mga Pinoy, ise-share namin ang ilang “swerte” tips para sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Narito ang listahan ng ilan sa mga maaaring ihanda, isuot, at gawin sa New Year mula sa feng shui expert na si Hanz Cua na kanyang ipinost sa kanyang Facebook account.
Una na riyan ang pagsusuot ng red dress sa Dec. 31 hanggang Jan. 1, 2022 para raw maka-attract ng suwerte sa pera. Pwede rin daw magsuot ng yellow gold sa loob ng bahay at sa opisina.
Bukod dito, pak na pak pa rin daw ang pagsusuot ng polka dots at bagong underwear sa pag-welcome sa 2022 upang mas maka-attract ng swerte sa anumang aspeto ng buhay.
Isa pa sa pampaswerte na maaaring gawin ay ang general cleaning sa bawat sulok ng bahay. Ani Hanz Cua, “Itapon na ang mga sira, luma, kalat para pumasok ang good fortune energy.”
Payo pa niya, palitan din ang kurtina sa bahay. Mas mainam kung gagamit ng kulay pula, dilaw, orange at pink.
Buksan din ang lahat ng ilaw sa tahanan dahil ang fire element ay bright light at malakas daw itong maka-attact ng good vibes at kasaganaan, “Gawing maliwanag ang buong bahay para ma-attract ang prosperity money luck.”
Hirit pa ng feng shui expert para sa lahat ng mga nabigo sa larangan ng pag-ibig, “Kalimutan mo na si EX, mag-move on ka na!”
Narito pa ang ilan sa mga pwede n’yong gawin para mas maging positibo, maswerte at masagana ang 2022.
*12 Kinds of fruits — 12 kinds signifies 12 months na masagana ang buong taon
*Magdisplay ng tiger — ilagay yan sa gitna ng bahay or sa sala. Para ma-attract maging maswerte ang 2022
*Palitan ang punda, bed cover — para sa single use Pink color; red if married na
*Ayusin ang tagas na gripo
* Main door ayusin
*Linisin ang stove
*Puno ang lagyanan ng asin, bigas, asukal
*Punuin ang LPG at water dispenser
*Magsuot ng bagong underwear
*Magpa gulong ng kiat kiat papasok ng bahay
*Magsaboy ng barya papasok ng bahay
*Gawing maingay masaya ang buong bahay
*9 incense mag-cleansing ng buong tahanan
*Magsabit ng tiger na lucky charm sa pinto
*Bigyan ng angpao ang apo, anak, mga bata
*Makipag-ayos na sa nakatampuhan
*Bayaran lahat ng utang bago matapos ang 2021
*Punuin ng pera ang wallet
*Maglagay ng barya sa bulsa
*Isulat ang goal plan sa 2022 idikit sa pinto
*Maglagay ng 8 barya coins sa NorthWest to activate money luck
*Magdisplay ng bulaklak sa SouthEast to activate love luck
*Mag-post ng good vibes sa social media
*Lagyan ng maraming pera ang cashbox
*Mag-pray magpasalamat sa lahat ng blessing natangap sa 2022
*Maghanda ng Pancit, Noodles, Spaghetti, Pork, Fish, Chicken
Huling bilin ni Hanz Cua, ang feng shui ay gabay lamang at nasa kamay pa rin ng isang tao ang tagumpay at ang ikagaganda ng kanyang buhay.
https://bandera.inquirer.net/283618/sarah-matteo-may-pabaon-ding-pampaswerte-kay-rabiya-para-manalo-sa-miss-universe-2020
https://bandera.inquirer.net/300310/rabiya-may-pahabol-na-pampaswerte-kay-miss-philippines-ilaban-mo-bea-para-sa-pilipinas