Gretchen Barretto
MARAMI ang pumuri kay Gretchen Barretto dahil ang kanyang makasaysayan at sikat na sikat na love box ay nakarating na rin sa mga biktima ng super typhoon Odette.
Hindi lang ang mga taga-showbiz industry ang napasaya ni Gretchen sa kanyang mga regalo kundi pati na rin ang mga nabiktima ng kalamidad.
Kuwento ni Romel Chika sa “Cristy Ferminute” online show nila ni ‘Nay Cristy Fermin, “Matapos tayong paligayahin sa Maynila kakilala, kaibigan, kasamahan natin lahat sa industriya heto na lumawak na nang bongga (sabay pakita ng mga laman ng love box).”
Namahagi ng love box si Greta sa Katimugan (South) at sabi nga ni ‘Nay Cristy, “Ang magandang puso, hindi namimili ng mga taong bibigyan ng kasiyahan at ito naman si Gretchen Barretto alam natin malayo pa po ang Pasko aba’y libu-libong love boxes na po ang kanyang ipinamigay ang dami-dami kahit hindi niya mga kasamahan, pinadalhan niya hindi siya talaga namimili, lahat pinasaya niya.
“At ngayon nga dahil sa naganap sa Katimugan kung saan po talagang napakarami nating kababayan ang nag-Pasko nang walang laman ang tiyan. Sa mga kababayan natin na hindi lang po bahay ang ninakaw ng bagyo kundi ang mga buhay, di ba?
“Ito po’y gustong paglingkuran din ni Gretchen Barretto magpapadala po siya ng love boxes sa Katimugan para naman po ngayong darating na Bagong Taon kahit paano mayroon pong mailagay sa lamesa ang mga kababayan natin. Imagine nu’ng pasko kahit na bigas wala sila wala po silang maisaing,” sabi ng beteranang host at kolumnista.
Samantala, kinlaro ni Greta ang kumalat na balitang sinabi raw ng negosyanteng si Atong Ang na, “Mas may tsansa ka pang manalo sa online sabong kesa itaya mo kinabukasan mo kay Bongbong Marcos. Pinagloloko lang kayo ng BBM na ‘yan.”
Ipinost ni Gretchen sa kanyang Instagram account ang larawan ni Atong Ang na may caption na, “FAKE NEWS! HINDI NAKIKIALAM SA POLITICS SI MR. CHARLIE ATONG ANG ITO AY GAWAIN NG AMING KALABAN SA NEGOSYO. To my friends kindly REPOST THIS @pitmastercare.”
Hati naman ang mga reaksyon ng netizens tungkol dito. Mula kay @itsmecurlie08, “#BBMSARAH2022 #FromCamSUr.”
Sabi ni @julydapoblete0727, “Feel ko BBM ka just like me.”
Sang-ayon naman si @b_r.e.n.t, “Hindi nga siguro sinabi…pero true na pinagloloko lang kayo ni BBM.”
Say ni @chaemarana1023, “Si BBM LNG Naman ang mahilig gumawa Ng fake news. Ibalik nyo Kay BBM yan.”
Komento ni @airnesdan, “Wala ng chance na aasenso pa ang Pilipinas kasi MAGNANAKAW lahat ang mga Politicians! Goodbye Philippines.”
May hugot din si @yanee_maltroz, “Ginagawa nilang hunghang mga sumusuporta Kay BBM. Kasi alarm Ng s’ya na panalo.”
https://bandera.inquirer.net/289859/gretchen-atong-ang-magkasama-sa-sabungan-tinukso-ng-mga-netizens
https://bandera.inquirer.net/286668/gretchen-wala-nang-paki-sa-bashers-im-51-that-doesnt-bother-me-anymore