Willie Revillame
ISA si Willie Revillame sa naging topic nina ‘Nay Cristy Fermin at Rommel Chika sa online show nilang “Cristy Ferminute”.
Naikuwento ng beteranang manunulat at host ang isa pa na bukas-palad ding tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette ay si Willie.
“Sabi nga po ng isang na-interview ni Willie Revillame sabi sa kanya, ‘kahit po walang ulam Kuya Will, kahit kanin lang.
“At si Willie Revillame hindi mo puwedeng itago sa kahon, panahon ng pandemya, panahon nu’ng bagyo nu’ng makita si Willie, ‘yan ang Pinoy! Sa gitna ng lungkot, nakangingiti pa rin, ‘yan ang Pinoy sa gitna ng kalamidad nakasisigaw pa rin.
“Ang pinakamatatapang na tao po sa mundo ay ‘yung nakangingiti sa kabila ng pagluha, ‘yung nagpapakita ng masaya sa kabila ng mga kalamidad at ‘yan po ang Pinoy, maitiisin, matatapang.
“Sabi nga ni Willie nag-usap kami, ‘alam mo Inang ang sarap sanang mamahagi ng konting tulong lalo na sa matatanda at bata pero sinabihan ako nu’ng nagga-guide sa akin, ‘kuya Will ‘wag kang magsimula baka magka-stampede. Kasi nga kung magbibigay siya ng isang libo sa matanda at bata, e, baka magkagulo kaya hindi niya nagawa pero gustung-gustong niyang gawin.
“Maganda ‘yung ganito, eh, gaya ni Gretchen (Barretto), ni Willie, ni Angel (Locsin), ni Kris Aquino, at ng ibang mga personalidad na marunong pong mamahagi ng mga biyayang tinatanggap nila.
“Maganda po ‘yung ganito na personal nilang nakikita ‘yung senaryo mismo, reality check ‘to, eh, na napakasuwerte pala nila,” kuwento ni ‘Nay Cristy.
Isa si Willie sa ilang personalidad na talagang personal na nag-ikot sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon Odette kaya naman nakita niya ang tunay na sitwasyon ng ating mga kababayan.
Marami rin ibang personalidad na gumagawa sa bahay nila ng mga gift packs at ipinadadala rin sa mga biktima ng bagyong Odette na ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account.
https://bandera.inquirer.net/301381/kris-aquino-pumalag-sa-mga-bashers-kahit-pasko-pasensyahan-tayo
https://bandera.inquirer.net/301130/kris-ibinuking-si-angel-nagbigay-po-siya-ng-p2m-para-sa-mga-nasalanta-ng-bagyo