Joey Reyes
INISA-ISA ng award-winning director na si Jose Javier Reyes ang mga dahilan kung bakit hindi masyadong bumenta sa takilya ang mga kalahok sa ginaganap na 2021 Metro Manila Film Festival.
Apat na araw na ngayon sa mga sinehan ang walong official entry sa MMFF 2021 pero mukhang hindi pa rin pumapalo ang benta ng tickets sa maraming sinehan sa Metro Manila.
May mga nagsasabi na baka ayaw pang lumabas at manood ng sine ang karamihan sa mga Pinoy dahil sa pandemya habang ang komento naman ng iba, kesa manood ng sine ay gagastusin na lang nila ang pera sa pagkain at panghanda sa Bagong Taon.
Pero para sa veteran director na si Joey Reyes, may iba pa siyang naiisip na dahilan kung bakit hindi masyadong tinao ang mga sinehan sa pagpapalabas ng mga MMFF entries ngayong taon.
Sa pamamagitan ng Facebook, sinabi ni Direk Joey ang mga katagang, “Magpakatotoo na tayo.”
“(1) Mahal ang ticket.
“(2) Mas gusto ng tao kumain at magpasyal kaysa magsine ngayon.
“(3) Takot pa ang taong manood sa sinehan.
“(4) Ang Pasko ay pampamilya lalo na sa mga bata.
“(5) Nahumaling na ang tao sa streaming: Netflix, Viu, Vivamax, Upstream, KTX.
“(6) Matapos ang isang taon at sampung buwan ng pangangamba, nag-iba na tayo sa kinagawian natin.
“ACCEPT. ADJUST. ADVANCE. OK, next move,” ang paalala pa ng multi-awarded writer-director.
Samantala, sa bago niyang FB post, muling nagbigay ng mensahe si Direk Joey tungkol sa 2021 MMFF at dito nag-repost siya ng isang artikulo kung saan may tatlong pelikulang nabanggit na maaari n’yong paglaanan ng pera at pagod.
“Now that the awards have been given out, I can finally publish a blog I wrote ten days ago.
“For those who jump into hasty generalizations and sweeping statements about all Pinoy movies are trash … your allegations are unjustified and here are three good reasons why I am challenging your prejudicial statements.
“So before you see the much-awaited adventures of the human arachnid, it will do your soul (and some of your hardworking countrymen) some good to catch one if not all three of these films showing in the 47th Metro Manila Film Festival,” aniya pa sa caption ng kanyang post sa Facebook.
https://bandera.inquirer.net/301298/bakit-kaya-hindi-pinilahan-ang-unang-araw-ng-mmff-2021