Pia sa Paskong UK: Ang saya gumising nang hindi kailangang mag-glam at magplantsa ng sirena hair

Oia Wurtzbach & Family

ENJOY na enjoy ngayon ang actress-beauty queen na si Pia Wurtzbach sa pagbabakasyon niya sa United Kingdom kung saan din siya nag-celebrate ng Christmas kasama ang pamilya.

Feel na feel daw niya ang holiday season this year at ang pagiging simple at normal na tao kapiling ang mga mahal sa buhay at ilan pang malalapit na kaanak at kaibigan.

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Pia ng mga kaganapan sa pagdiriwang nila ng Pasko kung saan nabanggit nga niya kung gaano siya kasaya na muling makasama ngayong holiday season ang mga mahal sa buhay.

Aniya sa caption ng mga ipinost niyang IG photos, “Christmas Day round up! I’m back home here in the UK and it’s been years since I slept in the same room where I did as a teen! It’s a gym-slash-bodega now LOL, but I love the bed my mom set up for me.”

Naikuwento rin niya ang mga bonding moments nila ng pamilya sa kanilang tahanan. Aniya, nagdesisyon silang sa bahay na lang mag-Noche Buena kesa lumabas pa.

“Sayang ang time to bond if sa hotel pa mag-stay and I love the dinner my step dad cooked for us. Every 2 hours ata kami kumakain ni Mama. 

“And of course, kulitan with Sarah and the kids Lara and Logan as we went to the toy store. Bilis nila lumaki. Where did the time go?!” mensahe pa ng beauty queen.

Samantala, nasabi rin ng ating Miss Universe 2015 na na-eenjoy niya ngayon ang kanyang “me time” at pakikipag-bonding sa family na hindi na kailangang mag-effort sa pagme-make up at pagsusuot ng bonggang OOTD.

Chika ni Pia, “Ang saya gumising nang di kailangan mag glam at magplantsa ng aking sirena hair (who’s with me?! Hahaha) and also to go to the supermarket leisurely without having to rush. 

“It’s Back-to-Basics Pia and I’m loving every second of it. Kayo, what did your #Christmas day look like?” sey pa ng dalaga.

https://bandera.inquirer.net/279969/pia-wurtzbach-nagpakabaliw-dahil-sa-lalaki-kinalimutan-ang-pamilya-at-career

https://bandera.inquirer.net/279969/pia-wurtzbach-nagpakabaliw-dahil-sa-lalaki-kinalimutan-ang-pamilya-at-career
https://bandera.inquirer.net/300144/pia-nagkaroon-ng-mental-health-problem-nang-manalo-sa-miss-universe-the-worry-was-louder-than-the-cheers

Read more...