Sheryn Regis at Mel de Guia
INAMIN ng OPM artist na si Sheryn Regis na bata pa lang siya ay alam na niyang may kakaiba siyang nararamdaman sa kapwa babae pero dahil konserbatibo ang pamilya niya ay kailangan niya itong itago.
Ito ang ginawang pagtatapat ni Sheryn sa vlog ni Ogie Diaz na in-upload sa kanyang YouTube channel kagabi, Dec. 26.
Kasama ni Sheryn na nakatsikahan ni Ogie ang kasalukuyang karelasyon nitong vlogger din na si Mel de Guia.
Unang tanong ni Ogie ay kung ngayon lang nalaman ni Sheryn na bahagi siya ng LGBTQ community, “Alam ko na sa puso ko na bahagi ako ng LGBTQ kuya Ogs it’s just that I started living with a man when I’m 18 years old. So, ‘yun ‘yung time na may realization ako na iba ‘yung feeling ko, iba ‘yung nararamdaman ko.”
Sabi ni Ogie, “18 pa lang nararamdaman mo na may kakaiba kang feeling?”
“Even younger!” mabilis na sagot ni Sheryn.
Dagdag pa ng singer, “It’s just that siyempre lagi tayong naka-follow sa parents kung ano ang gusto nilang mangyari sa buhay, ipa-follow mo. Galing pa ako sa school na Katoliko kaya sabi ni Mama when I told na, ‘Ma hindi naman talaga ako ‘yung gusto mong babae, the wife material talaga’ (sagot daw ng ina), ‘pero ‘yan ang tama.’
“So, kung i-complicate ko pa lahat, me against the world na. Me against the clan,” aniya pa.
“Talaga?” sambit ni Ogie.
Pagpapatuloy ni Sheryn, “So, pumasok ako sa showbusiness na nag-focus na lang ako sa, ‘itong si Sheryn may asawa, itong si Sheryn babaeng-babae dapat malinis.’ Iba pala kuya Ogie, kulang na kulang hindi ako masaya.
“Dahil naramdaman ko na parang hindi ito ako. Hindi ako ‘tong Sheryn na pino-project ko. Yes, as a diva, I sing, I wear gowns ganito naman talaga ako babaeng-babae pero ‘yung puso ko iba.
“Parang may gusto akong iba na hindi ko alam na kulang na kulang pero nu’ng nanganak na ako kay Sweety sabi ko ‘yes this is some kind of an award o trophy, pero parang may kulang pa rin,” pag-amin ng singer.
Balik-tanong ni Ogie, “Naramdaman mo pa rin ang kulang, e, may anak ka na?”
“Yeah, naramdaman ko ‘yung essence of a woman is to have a child, yes. Essence na babae ako, pero parang gusto ko pa rin babae. Ha-hahaha! Gusto ko pa rin babae pero in denial ako,” natawang sabi ng singer.
“So, feeling mo that time, e pinagbigyan ko na ang nanay ko at tatay ko sa gusto nilang mangyari kung anuman ‘yung tradisyon na kanilang sinusunod na dapat ang babae ay para sa lalaki at in the future magkaroon ng sariling pamilya na pinabigyan mo na sila. Paano mo naman sinabi sa kanila na, ‘Ma, ako naman,'” tanong ni Ogie.
“Mas unang nalaman ni Tito Earl, Tito Earl is my husband. Sabi ko sa kanya, ‘Tito Earl I’m a lesbian. Nanginginig-nginig pa ako siyempre asawa mo at ego ng lalaki ‘yun! ‘(Isipin niya) nag-asawa ako ng lesbyana ano ‘to? Niloko ako?’
“(Sabi ko pa), ‘Tito Earl I’m living a lie. Not just you, not just to the family, lie sa sarili ko. Kasi dinidenay ko hindi ko siya pinagbigyan kaya siguro ako nagkaroon ng depression, nagkasakit ako.
“Sinubok na ako ng buhay kuya Ogie kaya feeling ko bakit hindi ko sabihin sa kanya? Kasi baka wala na ako hindi ko pa ma-fulfill ‘yung gusto ko kaya sabihin ko talaga kung ano talaga ako,” paliwanag ni Sheryn.
Tanong ulit ng talet manager, “Nu’ng nasabi mo ‘yan, ano naman ang naisagot pabalik sa iyo ni tito Earl, ‘yung ex-husband mo?”
“Parang na-feel na niya alam ko sa simula kasi hindi kami naging normal na pamilya. Mas na-focus ako sa pamilya, sa trabaho ko kaysa sa kanya. I became selfish in a way na hindi ako naging asawa pero naging inay ako you know what I mean?
“Kasi mas nag-focus ako sa trabaho na kailangan mag-divert ‘yung attention ko kasi gusto kong mag-deny na ganito ako,” paliwanag pa ng mang-aawit.
“So, okay naman ang relasyon mo ngayon sa iyong ex-husband?” tanong uli ni Ogie kay Sheryn.
Ang bilis ng sagot nito, “O, yeah! Magkausap pa sila (sabay turo kay Mel) lagi. Kami halos everyday, nangungumusta ako.”
Dagdag ni Mel, “Okay ba ‘tayo (tanong kay Tito Earl) ganito, ganu’n.”
Hirit pa ni Sheryn, “Ang hirap, ‘no? Baka sabihin ng ibang tao na ‘ano ba ‘yan?’ o anong klaseng asawa ako. Ginampanan ko naman ang pagiging asawa ko kasi ang asawa hindi naman sa pakikipagtalik lang ‘yan.
“Responsibilidad mo ang pagmamahal mo sa isang tao. You care for that person and you are responsible to that person (kaya) ginagampanan mo rin ang pagkaasawa mo,” dugtong ng singer.
Sa tanong kung ano ang komento ng unica hija ni Sheryn na si Sweety, “She was 11 that time when I told her that I’m not straight. Well, she grew up sa America, sabi niya, ‘oh well I knew it, mommy, it doesn’t make you a less of a person, it doesn’t make you a less of a mom. Huwag mo munang i-divorce si daddy.’ That’s what she asked.
“Sabi niya, ‘mommy is it okay for you if there’s no divorce? I don’t wanna be like a child without a mom and a dad na magkasama.’ So, parang naiyak ako, nakukunsensya ako. So, pinagbigyan ko and I promised.
“And the time na nag-introduce na ako kay Mel tanggap siya, tanggap siya ni Sweety, tanggap siya ni Tito Earl, tanggap nila, tanggap ng pamilya ko, tanggap lahat kung anuman ako kasi raw ‘that’s your life and love has no boundaries.’ You are free mom (sabay pakita ng anak ni Sheryn sa video call na nag-uusap sila at tanggap nito ang ina).”
Samantala, inilarawan ni Sheryn na ang relasyon nila ni Mel ay walang pressure naging open siya sa sarili niya, mas magaan at para niyang kalaro, barkada lalo na’t 11 years younger ito sa kanya.
Sa parte naman ni Mel, “Yung relationship kasi namin walang pressure. Kasi since alam ko nga na married siya, may Sweety alam mo ‘yun? Hindi lang naman siya ‘yung minahal ko at tinanggap ko sa buhay ko kasama ‘yun parang package ‘to.
“So, since alam ko ‘yung story niya at pinagdaanan niya, ayokong dumagdag du’n sa ‘magpapabigat pa ba ako?’ Hindi porke mas matanda ka ganito ako, hindi porke mas bata ako, e, hindi ko na alam ang ginagawa ko. I’m responsible to my actions.
“So, nu’ng pinasok ko ‘to (sabi nya), ‘hindi ka ba naano kasi married ako?’ Sabi ko ‘hindi’ kasi nu’ng nakausap ko mismo sina Tito Earl, nakilala ko ang buong pamilya mo, respeto ang tawag do’n, hindi mo puwedeng (sabihin) ‘uy makipag divore ka, pakasalan mo ako, hindi. Sabi ko, I can wait.
“Okay na sa akin ‘yung tinanggap n’yo ako, minahal n’yo ako ng buo kasi hindi naman lahat ay nakaka-experience ng gano’n, di ba? Nu’ng tinanggap nila ako ng buo, hindi mo mararamdaman na ibang tao ka. PInaramdam sa akin ni Tito Earl na, ‘anak na rin kita’ parang ganu’n, so tatlo na kami.
“Si Sweety hindi naman malayo edad namin (18 na ang bagets), ‘yung respeto niya sa akin nandoon. Sabi ko pa (kay Sheryn) add on slang naman ako sa buhay so ayaw kong bigyan ka ng magpapabigat sa ‘yo.
“Hindi naman ako entitled sa buhay niya, I don’t own her. Sabi ko nga wala tayong problema sa pamilya mga ibang tao pa ang susubok sa atin. Thankful ako kasi siya ‘yung dumating sa buhay ko,” aniya pa.
Anyway, nagkakilala sina Sheryn at Mel nang umorder daw ng beef tapa ang una sa restaurant ng huli hanggang sa naging magkatsika sila, naibahagi ang mga problema nilang personal at lumalim ang kanilang pagkakakilala hanggang sa naging sila na.
https://bandera.inquirer.net/299885/sheryn-regis-umamin-na-sa-relasyon-nila-ni-mel-de-guia-binati-ni-ice-seguerra
https://bandera.inquirer.net/280832/sheryn-regis-natakot-bumalik-sa-pinas-para-muling-kumanta-baka-wala-nang-nakakakilala-sa-akin