Kiray kay Stephan: Magmahal tayo, sumugal tayo, bumangon tayo, magpatawad tayo…

Stephan Estopia at Kiray Celis

TALBOG pa ng magdyowang Kiray Celis at Stephan Estopia ang mga bagong kasal sa pagpapalitan nila ng mala-wedding vow message nila para sa isa’t isa.

Bago sumapit ang Pasko kahapon, nauna na si Stephan sa pagbibigay ng mensahe para sa girlfriend niyang Kapuso comedienne na talaga namang mapapa-sana all ka na lang sa sobrang kaswitan.

Sa pamamagitan ng Instagram,  ibinandera ng binata ang bagong litrato nila ni Kiray na kuha nang magbakasyon sila sa Boracay kalakip ang nilalaman ng kanyang puso.

Dito, ipinangako ni Stephan kay Kiray na patuloy niyang susuportahan ang lahat ng pangarap ng aktres kahit ano pa ang mangyari.

“Palagi kitang susuportahan sa mga nais at gusto mo. Asawa ko, dito lang ako sa likod mo, palagi humahanga sa kakayahan mo.

“At kahit maubusan ka man ng mga naniniwala sa ‘yo nandito ako, nandito ako patuloy na pumapalakpak sa bawat tagumpay na naaabot mo. Mahal na mahal kita @kiraycelis,” ang nakalagay sa caption ng ipinost niya photo sa IG kasama ang komedyana.


Agad namang nag-comment si Kiray sa napaka-sweet na message ng kanyang boyfriend. Aniya, “Thank you daddy. I love youuu!”

At siyempre, patatalo ba naman ang Kapuso star sa pasabog na paandar ng binata sa pagpaparamdam ng kanyang pagmamahal sa aktres?

Nag-post din siya sa IG ng sweet photo nila ni Stephan na may caption na, “Pipiliin natin kung saan tayo sasaya. Gawin natin lahat ng gusto natin.

“Magmahal tayo, sumugal tayo, bumangon tayo, magpatawad tayo, maging mabait tayo tapos ‘wag natin kalimutan na mahalin ang sarili natin. Mabuhay tayo ng masaya. ‘Yung lang! Sapat na!’” madamdaming hugot pa ni Kiray.

Nito lang nagadaang Dec. 14, nag-celebrate sina Kiray at Stephan ng kanilang second anniversary bilang magdyowa. 

Marami ang nagsasabi na parang mag-asawa na ang peg nina Kiray at Stephan dahil bukod nga sa tawagan nilang “asawa ko” ay talbog pa nila ang tunay na married couple kung magpakita ng wagas na pagmamahal sa isa’t isa.


https://bandera.inquirer.net/291042/stephan-kay-kiray-gusto-ko-ikaw-ang-maging-dulo-at-katapusan-ko-mahal-na-mahal-kita-sobra-sobra-sobra
https://bandera.inquirer.net/293914/mata-ni-kiray-ipina-tattoo-ng-dyowa-sa-dibdib-alam-ko-patay-na-patay-ka-sa-akin

Read more...