Paalala ng SethDrea sa kabataan, matalinong pagboto: Wag tatanggap ng P500, bilyon ang kapalit niyan! | Bandera

Paalala ng SethDrea sa kabataan, matalinong pagboto: Wag tatanggap ng P500, bilyon ang kapalit niyan!

Ervin Santiago - December 27, 2021 - 08:44 AM

Andrea Brillantes at Seth Fedelin

NAGPAALALA ang Kapamilya loveteam na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin sa mga kapwa nila kabataan para sa magaganap na national elections next year.

Kabilang ang tambalang SethDrea sa matatapang at responsableng young celebrities na aktibo sa kampanya para sa fair and honest elections sa darating na Mayo, 2022.

Sa nakaraang virtual mediacon ng bagong serye nina Seth at Andrea, ang “Saying Goodbye” na siyang kauna-unahang Filipino series sa digital streaming platform na iQiyi, nagbigay ng pahayag ang dalawang bagets tungkol sa pagpasok ng Bagong Taon.

“Sa 2022 I hope mas maging better na ang lahat for all of us. At hindi naman ini-expect na mawala itong COVID kasi ayoko ng umasa. 

“Pero sana pasimula na talaga ang 2022 ng pagbabalik ng dating normal, hindi yung new normal. Sana ang 2022 ang simula ng pagbabalik nung dati, kasi ang dami ko ng nami-miss, eh. 

“Miss na miss ko na yung fans ko, yung premiere night, tapos yung Christmas Special ginagawa sa Araneta Coliseum. Ang dami kong nami-miss. 

“Kaya sana bumalik na yung mga dating events, yung ABS-CBN Ball, sportsfest, miss ko na. 2022 ayusin mo ‘to. Let’s manifest it. 

“Sana sa 2022 magkaroon ng pagbabago at maging matalino ang mga Pilipino sa pagboto next year. Sana maging matalino tayong lahat at iboto natin ang taong tingin natin matutulungan tayong lahat ngayong pandemic,” dire-diretsong pahayag ni Andrea.

Pinaalalahanan naman ni Seth na maging mas mapanuri sa susunod na eleksyon at huwag na huwag tatanggap ng bribe o suhol mula sa mga kumakandidatong politiko.

“Guys, huwag tayo tatanggap ng P500. Mapapalitan ng bilyon yan. Huwag natin sayangin yung limang daan na yun.

“Payamanin natin yung sarili nating morale. Huwag na natin payamanin yung kung sino man diyan,” diin pa ng binata.

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Tungkol naman sa naging takbo ng buhay at career nila ngayong taon, sabi ni Andrea, “Ang 2021 para sa akin was super overwhelming. Very stressful. 

“Lahat naman tayo may kanya-kanyang pinagdaanan ng 2021 and it wasn’t a great year for a lot of people. Pero yung iba naman, it was yung best year for them. 

“Iba-iba naman talaga tayo. Pero personally for me ang daming nangyari, especially dahil ito yung year na nagkaroon ako ng COVID. Lalo na ngayon magtatapos na yung 2021 nangyari naman yung sa Siargao at yung mga nabiktima ng typhoon Odette.

“Pero masaya ako na nandito pa rin tayo lahat lumalaban at grateful pa din ako sa lahat ng blessings na natanggap ko ngayong taon at sobra akong nagpapasalamat kay Lord na binibigyan pa rin niya ako ng lakas. Kung i-di-describe ko ang 2021 ang masasabi ko I hate you but I love you,” natatawang sabi pa ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)


Para naman kay Seth, “Ang 2021 ko kasi, although hindi naman naging perpekto ang taon na ‘to, pero mas naka-focus ako sa mga magagandang nangyari. 

“Kahit hindi perpekto at meron pa rin pandemic, at least meron pa rin akong natatanggap galing sa itaas. Siguro masasabi ko na solid itong 2021 kasi ayoko mag-focus dun sa mga panget na nangyari sa akin. Mas pinapahalagahan ko yung mga natatanggap kong blessings, yung mga magagandang dumadating sa buhay ko.

“And then sa 2022 naman, ang gusto ko sana maging taon ko rin ang 2022. Sana maging maayos para sa ating lahat and yung COVID na yan, siguro andiyan na yan. Siguro mas magiging responsable lang ang mga tao, natuto na tayong lahat. 

“Siguro ang 2020 at 2021 kinalabit lang tayo ni God. So 2022 magiging okay ang lahat at naniniwala ako dun na magiging maayos,” lahad pa ni Seth.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood na ang “Saying Goodbye” nina Andrea at Seth  streaming exclusively on iQiyi and www.iQ.com. Kasama rin dito sina Andi Abaya, Kobie Brown at Nio Tria, sa direksyon ni Dolly Dulu. 
https://bandera.inquirer.net/299096/andrea-hindi-naghahanap-ng-dyowa-masaya-na-po-ako-sa-relasyon-namin-ni-seth-ngayon
https://bandera.inquirer.net/280113/andrea-nanghinayang-na-hindi-inimbita-si-seth-sa-burol-ng-kanyang-lolo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending