Zoren ibinuking si Carmina: Nag-aaway kami sa taping, para akong anak niya na kailangang intindihin

Carmina Villaroel at Zoren Legaspi

UMAANI ngayon ng papuri at mga positibong komento ang Kapuso couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi dahil sa kanilang afternoon series na “Stories from the Heart: The End of Us.”

Halos lahat ng mga sumusubaybay sa unang serye nina Zoren at Carmina sa GMA 7 ang nagsasabing bagay na bagay sa kanila ang ginagampanang karakter dahil sa ipinakikita nilang effortless acting.

Tama nga ang sinabi ni Zoren na ibang-iba ang ibinigay niyang atake sa role niya sa kuwento bilang manlolokong mister na nag-file ng annulment case para ipawalang-bisa ang kasal nila ng asawa na ginampanan nga ni Carmina.

Sa ginanap na mediacon kamakailan para sa “Stories from the Heart: The End of Us” inamin ng mag-asawa na madalas din daw silang magtalo at magdiskusyon kapag magkasama sila sa trabaho dahil sa magkaiba nilang pananaw bilang artista.

Pahayag ni Zoren, “Kaming dalawa kasi ni Mina iba ‘yung style. She’s an organic actor. Ako very technical.

“Kunwari, tinawag kaming actors. Ako, you have to give me five to 10 minutes. I need to internalize. I need to review my lines. Pagdating sa set, I need to be in the zone. Siya kasi organic,” lahad pa ng aktor at TV host.

Sey pa ni Zoren, grabe raw kasing maka-emote si Mina na kahit biglaan ang cue at take ng kanilang direktor ay nasa acting mode agad bukod sa napakabilis din nitong umiyak.

“Ganyan siya kanatural. Ako I need to prepare,” papuri pa ni Zoren sa kanyang misis.

“Kaya kami nag-aaway sa set. She’s so worried about me. Mahal na mahal niya ako para akong anak niya na kailangan intindihin,” pag-amin ng aktor.

Sagot naman ni Carmina, “He’s my husband eh. ‘Yung concern at pagmamahal ko more than the bickering namin. It’s just because of the concern and love for each other kasi may paki kami sa isa’t isa.”


In fairness, mukhang epektib naman ang pinaiiral na style sa pag-arte ng mag-asawa sa kanilang first drama series together sa GMA dahil talagang relate na relate at super react ang mga manonood sa mga pasabog nilang eksena.

Kasama rin sa “The End Of Us” sina Ariella Arida, Johnny Revilla, Karel Marquez at Andrew Gan. Napapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. after “Las Hermanas” sa GMA Afternoon Prime.

https://bandera.inquirer.net/300734/carmina-zoren-nagkaiyakan-sa-presscon-ng-stories-from-the-heart-may
https://bandera.inquirer.net/300895/zoren-kakaibang-iyak-ang-ipinakita-sa-the-end-of-us-para-hindi-ako-pagtawanan-ng-kambal
https://bandera.inquirer.net/281668/zoren-sa-tambalang-cassy-jd-may-chemistry-sila-in-fairness

Read more...