MARAMI ang bumabatikos sa Queen of All Media na si Kris Aquino matapos ang paglipad nito papuntang Negros Occidental upang samahan si VP Leni Robredo na mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Kris na alam niyang uulanin siya ng batikos dahil sa kanyang ginawa ngunit magsasalita siya dahil hindi raw siya tulad ng namayapang kapatid na hahayaan na lang ang ganitong mga isyu at magsa-suffer na lamang in silence dahil alam niyang mamimihasa lang ang kanyang bashers kapag ginawa niya ito.
“Bakit n’yo ako tuturuan to quietly help? Hindi ko ninakaw ‘yung perang ginamit, hindi pera ng gobyerno, galing sa sarili kong bulsa,” saad ni Kris.
Aniya, kaya rin daw niya ito ipino-post sa social media ay para makapang-engganyo rin ng ibang tao na tumindig at tumulong sa kapwa Pilipino.
“Kahit Pasko, sorry kahi I’m not a bit sorry. Pasensyahan tayo. Sa mga haters and bashers obvious ba, Im not my brother, who was too humble and proper for his own good, who chose to suffer in silence kaya namihasa na rin kayo.”
Dagdag pa niya, hindi siya namumulitika dahil hindi naman siya kumakandidato sa kahit na anong posisyon sa gobyerno.
Inisa-isa rin nito ang mga naging proyekto ng dating presidente at nakatatandang kapatid ni Kris na si dating Pangulong Noynoy Aquino na ngayon ay pinakikinabangan na ng mga Pilipino.
Agad namang nag-comment ang aktres na si Angel Locsin sa post ni Kris.
“You’re just helping ate kahit na maraming nagsasani na delikado sa health mo. Gusto mo makamusta ng personal ang mga tao and to make sure na makakarating sa tao talaga ang tulong.
“Gusto mo iparamdam na mas importante ang kalagayan nila kesa sa comfort mo. I’m so sorry to hear na may issue pala… gusto mo lang talagang mag-give back sa mga tao. At witness ako dyan. Alam kong in pain ka ngayon at di makapag-celebrate,” pagko-comfort ni Angel kay Kris.
“Thank you ate. Wag ka sanang maapektuhan at magtuloy tuloy lang dahil kailangan natin ang isa’t isa ngayon. Labyu,” dagdag pa niya.
Nagpahayag rin ng suporta ang actress-comedienne na si Pokwang kay Kris.
Aniya, “We love you ganda. Dito lang kami tahimik nakikiramdam at patuloy na nagmamahal sayo alam mo yan. Mas kilala ka namin at alam namin kung gaano ka kapalaban. Isang mapayapa at ligtas at malusog na pasko sa ‘yo st sa buong pamilya. Love you.”
Sa ngayon ay nagpapahinga si Kris dahil sa overexertion sa kanyang relief effort sa Negros Occidental.
Related Chika:
Kris Aquino nakipag-sanib pwersa kay VP Leni para sa mga nasalanta ng bagyong Odette