Hirit ni Janno: Pasko na po, tigilan n’yo na iyang bold….mahiya naman kayo sa mga anak n’yo

Janno Gibbs at Manilyn Reynes

CONFIRMED! Para kay Janno Gibbs talaga ang isinulat niyang hugot song na “Sayang Na Sayang” na naging most requested song noong dekada 80.

Inamin ito ng Kapuso actress at singer sa nakaraang online presscon ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Mang Jose” na pinagbibidahan nga ni Janno.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagkakataon na diretsahang sinabi ng aktres na isinulat talaga niya para kay Janno ang hit single niyang “Sayang na Sayang” na talagang naging theme song pa ng mga Pinoy na nabigo sa pag-ibig.

Sikat na sikat noong dekada 80 ang tambalan nina Janno at Manilyn na nauwi nga sa totohanang relasyon. Ngunit nauwi rin ito sa hiwalayan noong 1989 nang malaman ni Manilyn ang pakikipagrelasyon ni Janno kay Bing Loyzaga.

Sa virtual mediacon ng “Mang Jose” si Janno mismo ang nagtanong kay Manilyn ng, “Yung ‘Sayang Na Sayang’ ba, isinulat para sa akin?” Na mabilis sinagot ni Manilyn ng, “Oo.”

Nabalita pa noon na talagang super cry daw si Manilyn habang inire-record ang “Sayang Na Sayang” dahil ramdam na ramdam pa nito ang sakit na paghihiwalay nila ni Janno.

At makalipas nga ang maraming taon, muling nagsama ang dating magka-loveteam sa isang pelikula kasama pa ang asawa ni Janno na si Bing Loyzaga, patunay lamang na magkakaibigan na silang tatlo.

https://bandera.inquirer.net/297959/janno-hirap-na-hirap-sa-costume-ni-mang-jose-pero-90-ng-action-dito-ako-talaga-walang-double
Ito ang Christmas presentation ng Viva Films na showing na ngayon sa Vivamax.
Samantala, tinuksu-tukso naman ni Bing ang kanyang asawa sa pagiging late nito palagi sa kanyang mga commitments.

Tanong sa kanya ni Bing  “Janno Gibbs, bakit lagi kang late?” Sagot ng komedyante, “Hindi na ngayon, ha? Dati lang ‘yon.”

Patuloy pa niyang pagtatanggol sa sarili, “Maaga na ako ngayon. Tatanggalin ko na nga yung late sa Instagram ko.” Ang tinutukoy niya ay ang gamit niyang Instagram handle na “@jannolategibbs.”

“Noong mga panahon na ‘yon, alam naman ng lahat na may problema ako. May sleeping problem ako,” sey pa ni Janno. Hirit pa niya, “Saka gusto ko lang.”

Last Dec. 21 naman ay nagpa-private screening si Janno ng “Mang Jose” para sa kanyang pamilya, mga co-stars sa pelikula at malalapit na kaibigan kabilang na sina Herbert Bautista at Dennis Padilla.
Kasunod nito, nanawagan din si Janno sa publiko na panoorin at suportahan ng Vivamax subscribers ang “Mang Jose”.

“Binuhusan po namin ng pagmamahal mula sa production hanggang sa mga artista at makikita niyo po ‘yon.

“Mahahalata niyo po na binigyan namin ng puso itong Mang Jose at saka sa subscribers ng Vivamax. Pasko na po, tigilan niyo na iyang bold. Comedy muna, saka action. Mahiya naman kayo sa mga anak niyo!” ang biro pang hirit ni Janno.


https://bandera.inquirer.net/297761/janno-ibinida-ang-superpowers-ni-mang-jose-di-magpapatalbog-kina-darna-at-captain-barbell

Read more...