2021 ni Heaven Peralejo magkahalong luha at tagumpay; malaki ang utang na loob sa Siargao

Heaven Peralejo

SIGURADONG apektado rin ang Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo sa matinding pananalasa ng bagyong Odette sa Siargao.

Malaking bahagi ng buhay ngayon ni Heaven ang nasabing isla dahil naging saksi raw ito sa pagmu-move on niya sa ilang mga pagsubok na hinarap niya nitong mga nagdaang buwan.

Ayon sa dalaga, maituturing niyang isang mapaghamong taon ang 2021 ngunit proud siya sa kanyang sarili na napagtagumpayan niya ang lahat ng challenges sa kanyang personal na buhay at career.

“Yung 2021 ko, siguro full of learnings and full of love and of course tears. Part din naman talaga yon ng buhay. 

“Pero ngayon nasa ibang place na ako ng life na sobrang at peace, na parang kahit kami nu’ng dog ko, masaya na ako na kami lang, ganu’n. Nandu’n ako sa part ng buhay na contented ako,” pahayag ni Heaven sa isang panayam.

Patuloy pa niya, “Kakaiba yung 2021 ko, pero siguro nu’ng pumunta ako sa Siargao, parang ang dami kong na-realize. 

“Ang laki pa pala ng mundo, na kaya ko ito. Na marami pa ang magiging problema na mas mahirap. Nandiyan si Mom, tinutulungan din niya ako kung paano i-handle. 

“Nandoon din sila to support me all the way kahit may times na parang naggi-give up na ako. Si Mom pa rin yung naniniwala na kakayanin ko and, true enough, kinaya naman. And masaya naman,” dagdag ng dalaga.

Aniya pa, “Nagkaroon ako ng strength dahil sa kanila para malagpasan yung mga bad times ko.

“And sa happy times ko mas na-appreciate ko yung buhay, mas na-appreciate ko yung mga taong kasama ko. Mas na-appreciate ko yung kahit like yung mga simple things lang, so yon.

“In terms naman kung paano ko ngayon tingnan yung love, siguro kailangan ko talagang pumili ng tao na super worth ng love ko, ganu’n.

“Actually, right now parang wala talaga akong time para magkaroon ng relationship. Parang gusto ko munang i-take yung time na ito para makilala ko pa yung sarili ko, yung mga gusto ko, yung mga ayaw ko sa relationship or in life,” pagpapatuloy pa ng dalaga.


Samantala, ibinalita rin ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na may social media manager nang  nag-aasikaso sa kanyang social media accounts.

“Nag-start akong magkaroon ng social media manager since last year pa. They handle the captions, they handle the editing for the vlogs. 

“Siguro kasi, kaya gusto ko rin lang magkaroon ng social media manager kasi ayoko lang din na yung buhay ko ay umiikot lang din sa social media.

“Parang gusto ko pa rin na nasa real time ako, alam mo yon? Na hindi laging dapat nasa phone. Kasi as in ngayon hindi na ako ma-phone. And mas masaya, mas kalma. Kasi dati iniisip ko pa yung mga sinasabi ng ibang tao, pero ngayon hindi na, eh,” katwiran pa niya.


https://bandera.inquirer.net/292400/anyare-kiko-estrada-heaven-peralejo-hiwalay-na-nagkasawaan-agad
https://bandera.inquirer.net/299676/hiling-ni-heaven-sa-haters-guys-malapit-na-mag-christmas-magpakabait-na-po-ang-lahat

Read more...