Liza Soberano nasa Amerika pa rin para sa kanyang Lola Bobbie

Liza Soberano nasa Amerika pa rin para sa kanyang Lola Bobbie

KASALUKUYANG nasa Amerika pa rin si Liza Soberano kasama ang boyfriend niyang si Enrique Gil para dalawin ang maternal grandmother na si Lola Bobbie na maysakit.

Umalis sina Liza at Enrique noong gabi ng December 18 kaya hindi sila nakadalo sa “Andito Tayo Para sa Isa’t isa” para sa ABS-CBN Christmas special dahil nga nakatanggap ang aktres ng emergency call mula sa ina base rin sa Twitter post niya.

Nag-video post si Liza sa kanyang Instagram kahapon, araw ng Pasko, ng mga regalo na nasa tabi ng maganda nilang Christmas tree na hindi niya nakapiling ng personal ang pamilya rito sa Pilipinas pero nag-video call naman daw sila.

Ang caption ng aktres, “Happy Holidays. Really missing my family back home in the PH. It was supposed to be our first time celebrating in our newly renovated home but we’re still thankful we get to celebrate together via video call.

“Thank you @randylazaro_ for styling this years Christmas tree. We were going for a Santa’s workshop theme. My sister @rianne.love.soberano loves the tree so much!”

Nag-tweet din si Liza kahapon, “Merry Christmas! Thankful everyday for each and every one of you. Love you all.”

Binati naman si Liza ng mga followers niya ng Maligayang Pasko kasama si Quen at 117k naman ang nag like sa magandang Christmas tree nila.

Sa kasalukuyan ay walang balita kung kumusta na ang lola Bobbie ni Liza at kung kailan sila babalik ng Pilipinas ni Enrique.

 

Related Chika:
Liza agad na lumipad patungong Amerika, humiling na sana’y maabutan pang buhay ang lola

 

Read more...