Love life ‘sumpa’ ng 2021 wa epek sa 9 magdyowa sa showbiz: Waging-wagi sa pag-ibig!

Derek Ramsay & Ellen Adarna, Bea Alonzo & Dominic Roque, Maris Racal & Rico Blanco, Cherry Pie Picache & Edu Manzano

KUNG kamalasan ang hatid ng 2021 para sa mga celebrity couples na naghiwalay at nagkanya-kanya na ng landas, swerte naman ito para sa ilang nagka-lovelife ngayong taon.

Kung isang “sumpa” na maituturimg ang 2021 na tinaguriang “Year of Break-ups” para sa ilang magdyowa sa showbiz, blessing naman ito para sa 9 na showbiz couples na nagkaroon ng bonggang lovelife sa panahon ng pandemya.

DEREK RAMSAY & ELLEN ADARNA

Halos araw-araw naging headline mula noong January, 2021 ang kontrobersyal na magdyowa na nagsimulang maging close nang mag-host ng dinner ang hunk aktor sa kanilang bahay at isa nga si Ellen sa mga naging bisita nila.

Ilang linggo lamang ang lumipas, inamin na rin nina Ellen at Derek na sila na. Pagsapit ng March, nag-propose si Derek sa dating sexy star at last Nov. 11 nga ay nagpakasal na sila na ginanap sa Rancho Bernardo sa Bagac, Bataan. 

BEA ALONZO & DOMINIC ROQUE

Matagal nang nababalita na may relasyon na sina Bea at Dominic ngunit nito lamang nagdaang July inamin ng dalawa ang kanilang love affair matapos silang magbakasyon ng isang buwan sa Amerika.

“It’s not like I was trying to hide it. I think I was trying to be careful given my past experience. Siyempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official. We only live once and happiness is best when shared. I want to share my happiness,” pag-amin ng aktres.

GERALD ANDERSON & JULIA BARRETTO

Naging laman din ng mga newspaper at entertainment websites at vlogs ang kontrobersyal na pag-amin nina Julia at Gerald sa kanilang relasyon matapos magdenay nang bonggang-bongga noong kasagsagan ng break-up ng aktor at ni Bea Alonzo.

Naging “national issue” rin ang panggo-ghost ni Gerald kay Bea noon nang aminin na finally ng binata na magdyowa na sila ng aktres noong Marso, 2021 — as in talagang kaliwa’t kanang pamba-bash ang inabot nila sa madlang pipol.

MARIS RACAL AT RICO BLANCO

Muli, pinatunayan ng dalawa ang matandang kasabihan na “age doesn’t matter” dahil kahit 25 years nga ang kanilang age gap ay na-in love pa rin sila sa isa’t isa — 24 years old si Maris habang 48 naman si Rico.

“It’s really a normal relationship. In their world, people may have opinions about age gap and relationships, but regarding the issue of age, we’re okay, ‘di kasi kami naba-bother.” 

BARBIE IMPERIAL & DIEGO LOYZAGA

Actually, isang taon nang magdyowa sina Barbie at Diego pero nito lamang taon sila umamin sa publiko about their relationship. Nag-celebrate sila ng kanilang first anniversary last Dec. 11.

“Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love & friendship with this one,” ang pahayag ni Barbie sa isa niyang Instagram post.

Mensahe naman ng hunk actor kay Barbie sa una nilang anibersaryo bilang couple, “I may not be perfect and still mess up along the way, but I’ll try my best everyday. I hope you were surprised and enjoyed the night mahal! Happy anniversary,” sabi ni Diego.

CHERRY PIE PICACHE & EDU MANZANO

“Shookt” ang lahat nang biglang bumandera sa social media ang mga sweet photos ng veteran stars na sina Edu at Cherry Pie na muli ngang natagpuan ang pag-ibig sa isa’t isa na nagsimula sa seryeng “Ang Probinsyano.” Tinawag pa nga silang bagong “KathNiel” (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) ng kanilang mga kaibigan.

Matagal nang separada si Cherry Pie sa dati niyang husband na si Gary Tria habang naging asawa naman noon ni Doods sina Vilma Santos at Maricel Soriano. Huli niyang nakarelasyon ang non-showbiz na si Iryne Garcia.


RK BAGATSING & JANE OINEZA

Sa pamamagitan ng isang TikTok video nitong nagdaang Mayo, kinumpirma nina Jane at RK ang kanilang relasyon na pinusuan ng kanilang mga kaibigan sa showbiz at social media followers. Nagsimula ang friendship ng dalawang Kapamilya stars sa 2018 teleserye ng ABS-CBN na “Araw Gabi”.

“I don’t have to force anything. It’s there, chemistry, relaxed. Sa ngayon, sa mga pinagdadaanan natin sa buhay, sa pandemic, we need those kind of energy from other people. ‘Yung lightness nakukuha namin ‘yon sa isa’t isa and I am very happy having her around,” pahayag ni RK.  

SHERYN REGIS & MEL DE GUIA

Hashtag #LoveWins! Nagpakatotoo naman ang OPM singer na si Sheryn Regis nang ibandera niya sa social media ang relationship nila ng kanyang partner na si Mel De Guia na isang vlogger at proud member ng LGBTQIA+ community.

Bukod sa sagot niyang “Yes!” sa lahat ng nagtanong kung magdyowa na sila ni Mel, nag-post din siya sa kanyang TikTok account ng isa pa nilang sweet photo kung saan magkadikit ang kanilang mukha. 
Kalakip nito ang ilang lyrics mula sa classic song na “One Hello”, “FIRST YOU GOTTA LET THEM IN CUZ LOVE BEGINS WITH HELLO!” 

KYLINE ALCANTARA & MAVY LEGASPI

Super kilig to the max naman ang mga fans ng Kapuso loveteam na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi matapos umamin ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa tanong ng isa nilang loyal fan na “Is it true na you are in a relationship?” diretsahan na itong sinagot ng dalaga. Sey ni Kyline, “It’s a yes! It’s a yes. It’s like friendship na relationship. Kung anong meron kami, it’s really our own. There are many types of relationship, and kung ano man ang meron kami ngayon, it’s really our own.”

https://bandera.inquirer.net/281723/diego-nakikita-na-ang-sarili-bilang-asawa-ni-barbie-kasama-ang-kanilang-mga-anak
https://bandera.inquirer.net/293522/bea-dominic-sumabak-sa-bagong-challenge-hindi-tayo-dapat-pabigla-bigla-baka-mag-away-tayo
https://bandera.inquirer.net/299057/relasyong-cherry-pie-edu-aprub-sa-mga-celebs-pero-ninega-ng-ilang-bashers

Read more...