Philmar miss na miss na sina Andi at mga anak: See you soon!

Philmar miss na miss na sina Andi at mga anak: See you soon!

LABIS ang pangungulila ng Filipino surfer na si Philmar Alipayo kina Andi Eigenmenn at sa mga anak nilang sina Ellie, Koa, at Lilo  na kasalukuyang nasa Maynila.

Kinailangan kasing niyang umuwi pabalik sa isla ng Siargao para magbigay tulong at i-check ang kalagayan ng mga kaanak at mga kaibigang naapektuhan ng bagyong Odette.

Naiwan kasi sina Andi sa Maynila para na rin sa ikabubuti ng mga bata at marahil para mas makakilos si Philmar sa pagtulong sa iba’t-ibang lugar sa isla.

Sa Instagram post nga ng fiancé ni Andi ay ibinahagi niya ang litrato ng pamilya habang nakaupo sa sahig at nagkakaroon ng family bonding.

“Best gift sako kinabuhe (best gift of my life),” saad ni Philmar.

“Miss you and love yoh all so much! Will see you soon,” dagdag pa niya.

Nag-reply naman si Andi sa post ng fiancé ng “We miss you so much! (three heart emoji)”

Sa ngayon ay abala si Philmar sa pamimigay ng relief goods sa mga kababayan niya sa Siargao.

Kahapon ay namahagi siya at ang kanyang mga kasamahan sa Brgy. Corazon.

Ang mga kaibigan at kapwa surfers rin ang kasama nito na nag-celebrate ng Pasko base na rin sa mga ibinahagi nito sa kanyang Instagram stories.

Sa ngayon ay unti-unting bumabangon ang Siargao sa natamong pinsala mula sa nagdaang bagyo na itinalang pinakamalakas na pumasok sa bansa ngayong taon.

Bukod kay Philmar ay napabalita ring nagpaabot ng tulong ang “Wowowin” host na si Willie Revillame, pati na rin ang aktres na si Nadine Lustre at ang rumored boyfriend nitong si Christophe Bariou.

Related Chika:
Andi ibinandera ang wagas na pagmamahal kay Philmar
Philmar inakusahang nagnakaw ng donasyon para sa Siargao, Andi nag-react: He’s willing to use his own money just to help our community out

 

Read more...