NAKAKALUNGKOT na hindi tinao ngayong araw ang pagbabalik ng Metro Manila Film Festival 2021 kabaligtaran sa mga nagdaang taon na hindi pa bukas ang malls sa Metro Manila ay mahaba na ang pila ng mga taong papasok para manood ng mga pelikulang kasama sa taunang MMFF.
Mukhang nasanay na ang taong manood na lang sa streaming app sa bahay nila dahil sa pandemya at katwiran nila ay hindi na nila kailangang magbihis at gumastos ng pamasahe.
Last year ay thru streaming apps din napanood ang mga pelikulang kasama sa MMFF 2020 at hindi man ganu’n kalaki ang kinita kung ikukumpara sa mga sinehan ay hindi naman na-zero ang mga producers.
Base sa paglilibot sa mga sinehan ni TV Patrol correspondent MJ Felipe ay wala siyang nakitang taong nakapila at paisa-isa pa ang pasok.
Nag-post si MJ ng mga larawan ng mga sinehang pinuntahan nila ngayong araw at sa totoo lang, puwedeng-puwedeng maglaro ng bowling o basketball sa kawalan ng tao.
Anyway ang caption ni MJ sa mga nasabing larawan, “A slow start for MMFF movies and cinemas this year. Together with my crew, we went around major cinemas to see how the eight participating movies will fair in the box office. Please note that the MMFF is returning to the cinemas after the pandemic shutdown.
“Too bad, turnout was low. These photos were taken from 1PM to 5PM, today Christmas Day, Saturday. We went to Glorietta, SM Mall of Asia, SM Megamall, Trinoma and SM City North Edsa/SM City the Block.
“Sa aming pag-iikot sa mga sinehan, eto ang mga dahilan ng ilan kaya mababa ang turnout ng 1st day ng MMFF:
- Hinahanap nila ang mga pambatang pelikula gaya nina Vica Ganda, Vic Sotto at Coco Martin. Yan ang gusto ng mga bata. Sa matatanda, they just want a good laugh.
Ayaw nila manood kasi bawal ang pagkain sa loob ng sinehan. - Bonding time ang panonood ng sine, pero kung magkakalayo lang din naman, wag na lang daw.
- Nakasanayan na raw nila na sa bahay na lang nanonood, magkakatabi pa, big screen na tapos pwede pa kumain.
- Mahal daw ang tiket. Nagtaas ng 10 to 40 pesos ang ilang sinehan. Ranging from 320 to 345 para sa regular screening tickets. 450 naman para sa mga premium/deluxe cinemas. Tight budget daw talaga.
“These are the real, unfiltered sentiments on the ground. MMFF has yet to issue an official statement.”
LOOK: As of 1PM, this is the situation at Glorietta 4 Cinemas in Makati. No crowd, no queues. Pre-Covid, this used to be packed with moviegoers on Christmas day. pic.twitter.com/vNHUM7L3Hb
— MJ Felipe (@mjfelipe) December 25, 2021
Sana muling magkaroon ng pag-uusap ang mga producer at may-ari ng mga sinehan tungkol sa presyo ng tickets dahil nasa pandemya pa rin tayo ngayon at masa ang kadalasang target viewer’s ng MMFF.
At tama isa rin sa dahilan kaya mahina ang MMFF ay walang pambatang pelikula na sa tingin din namin kaya hindi rin gumawa sina Vic Sotto, Vice Ganda at Coco Martin ay sa dahilan hindi pa puwedeng mag-shoot ang mga menor de edad base sa health protocol ng IATF.
Bukod pa sa limitado rin ang pinapapasok na mga bata sa malls dahil nga hindi pa sila bakunado.
Sana magawan ito ng paraan ng MMDA.
Related Chika:
MMFF magbabalik sinehan; 8 official entries inilabas na