Kris Aquino nakipag-sanib pwersa kay VP Leni para sa mga nasalanta ng bagyong Odette

Kris Aquino nakipag-sanib pwersa kay VP Leni para sa mga nasalanta ng bagyong Odette

SINAMAHAN ng Queen of all Media na si Kris Aquino si Vice President Leni Robredo sa pagbibigay tulong sa mga survivors ng bagyong Odette sa Negros Occidental ngayong Martes, December 21.

Nagdala ang aktres ng mga relief goods habang nakasuot ng kulay pink na hoodie, na siyang campaign color ni VP Leni na tumatakbo sa pagkapresidente ngayong 2022 base na rin sa mga contributed photos na kuha mula sa Kabankalan at Himamaylan.

Ani Robredo, simula pa 2016, noong panahong tumatakbo siya sa pagka-bise presidente at nangungulelay sa mga opinion polls ay palihim na siyang sinusuportahan ng aktres at hanggang ngayon ay nandito pa rin ito hanggang sa matapos ang kayang termino sa Hunyo.

“Ngayon na kandidato na ako [sa pagka-Pangulo], nag-promise po diya sa akin na starting January ay lalabas siya para tulungan ako. Pero noong nalaman niya na magri-relief operations dito sa Negros Occidental kagabi, nag-promise siya na sasama siya ngayon,” saad ni VP Leni.

 

Kahit na may iniindang sakit si Kris at ksalukuyang nasa Christmas break ay iniisip pa rin nito kung paano makakatulong sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyo.

“Dala ko po ang ngayon ang buong truck ng Puregold. Pera ko po ‘yan at hindi po sa kahit kanino dahil mahal ko po kayo at mahal na mahal ko po si VP Leni

“So sana po maalala ninyo kung sino po ang tumulong sa inyo sa oras ng inyong pangangailangan. Dahil po yan sa pagmamahal namin sa lahat ng mga Pilipino,’ sey ni Kris habang namamahagi ng relief packs.

Matatandaang noong weekend ay nag-post ang aktres ng video kung saan makikita ang malakas na pag-ulan dahil sa bagyong Odette.

Kuwento niya, ay patuloy ang kaniyang pakikipag-coordinate sa kanyang mga kaibigan ukol sa paano siya makakatulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Amin rin ni Kris, maski ang mga kaanak ng kanyang fiance na si Mel Sarmiento ay labis na naapektuhan ng hagupit ni Odette.

Pinasalamat at pinuri naman ni Kris ang ginawang pagkakaisa nina VP Leni at Sen. Manny para sa mas maayos at mas mabilis na pagtulong sa mga nangangailangan.

 

Related Chika:
Kahit may sakit, Kris nakipag-sanib pwersa uli kay Angel para tumulong sa mga biktima ni Odette

Read more...