NAGBIGAY ng tulong ang aktor na si Gerald Anderson para sa mga pamilya na naapektuhan ng hagupit ng bagyong Odette.
Base sa naka-post sa Facebook page ng Philippine Coast Guard, personal na inihatid ng aktor noong December 19 ang kanyang donasyon ng sako-sakong bigas, at kahon kahong bottled water na ide-deliver ng Philippine Coast Guard sa mga lugar ng Western Visayas at Northeastern Mindanao.
“Agad na isinakay ang saku-sakong bigas at kahung-kahong purified drinking water sa BRP Gabriela Silang (OPV-8301) na biyaheng Western Visayas at Northeastern Mindanao.”
Nagpasalamat naman ang Philippine Coast Guard sa mabilis na pagresponde ni Gerald sa kanilang panawagan ng karagdagang donasyon para sa mga lubos na napinsala ng nagdaang kalamidad.
“Ang relief transport mission ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gamitin ang lahat ng assets at resources ng pamahalaan para makatulong sa pagbangon ng mga pamilyang nabiktima ng Bagyong Odette.”
Inaasahang ngayong araw, December 21 ay makakarating na ang mga donasyon ni Gerald para sa mga libu-libong pamilya partikular sa mga residente ng Surigao City at Dinagat Islands.
Ayon rin sa report ng Philippine Coast Guard, paunang tulong pa lamang ito ng aktor at may mga sususnod pang ibibigay ang aktor para sa kanilang relief operations.
Nanawagan rin ng karagdagang tulong sina Gerald at ang dyowa nitong si Julia Barretto.
“Narito po kami para kumakatok po sa inyong mga puso para sama-sama nating matulungan ang ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyong Odette.
“Sa mga susunod na araw, babyahe po apuntant Surigao del Norte at Visayas ang mga barko ng Philippine Coast Guard para maghatid ng iba’t ibang pangangailangan sa mga naapektuhan na pamilya.
“Nananawagan po kami sa mga nais na maghatid ng tulong, in kind man o cash donations, bukas po ang Philippine Coast Guard,” saad ng dalawa sa video na ibinahagi ng PCG.
Si Gerald Anderson ay Auxiliary Commander samantalang si Julia Brretto naman ay Auxiliary Ensign ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA).
Related Chika:
Gerald, ama, utol nanumpa bilang mga officer ng Coast Guard
Julia miyembro na ng PCG Auxiliary K9 Squadron; Gerald super proud sa dyowa