Marian, Dingdong nakauwi na sa bahay, sabik na niyakap ang anak na sina Zia at Sixto

Marian, Dingdong nakauwi na sa bahay, sabik na niyakap ang anak na sina Zia at Sixto

LABIS ang saya ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera pati na rin ng asawa nitong si Dingdong Dantes nang makauwi na silang dalawa sa kanilang bahay kung saan naghihintay ang dalawang chikiting na sina Sixto at Zia.

Sa Instagram story ng aktres ay ibinahagi niya ang larawan nila ng mga anak na sina Zia at Sixto na yakap yakap niya.

Ibinahagi rin ni Dingdong ang handwritten na welcome note ni Zia para sa kanya.

“Welcome home Dada. Love, Zia,” sulat ng kanilang panganay na anak.

Ibinahagi rin ni Dingdong ang larawan ni Marian habang mahigpit na mahigpit na yakap ang mga anak.

“The promised land,” caption ni Dingdong na tila tumutukoy sa Israel kung saan sila nagpunta.

Matatandaang nitong December 6 ay lumipad si Marian kasama ang asawang si Dingdong pa-Israel upang dumalo sa 70th edition ng Miss Universe dahil napili ang aktres na maging parte ng selection committee para sa pinaka prestihiyosong pageant sa buong mundo.

Kasama ni Marian sa all-female selection judges sina Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, Brazilian supermodel Adriana Lima, Indian actress Urvashi Rautela, American model Lori Harvey at Puerto Rican actress Adamari López.

Si Marian ang pang-sampung Pilipino na nabigyan ng pagkakataon upang maging isa sa mga judges ng Miss Universe. Una na rito ay sina Carlos P. Romulo (1974), Josie Natori (1989), Kuh Ledesma (1991), Don Emilio Yap (1994), Lea Salonga (2011), Manny Pacquiao (2014) at Pia Wurtzbach (2017), Monique Lhuillier at Richelle Singson-Michael (2018).

Samantala ang kandidata naman ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez ay pasok sa Top 5 at ang pambato naman ng India na si Harnaaz Sandhu ang itinanghal na Miss Universe 2021.

Related Chika:
Marian napiling judge sa Miss Universe 2021: Sabi ko talaga ba, ako? Totoo ba yan?
Dingdong Dantes naging water boy ni Marian sa Miss Universe 2021 prelims

Read more...