Paolo Ballesteros proud na ibinandera ang 1st honor na anak

Paolo Ballesteros proud na ibinandera ang 1st honor na anak

IBINANDERA ng “Eat Bulaga” host na si Paolo Ballesteros ang matataas na grade ng kanyang anak na si Keira.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng TV host ang screenshot ng grades ng anak.

“Good morneng! Flex ko lang ‘yung 1st honor kong junakiz,” saad ni Paolo.

“I love you anak berigood,” dagdag pa niya.

Base sa screenshot ay umani ng A- ang grade ng kanyang anak na katumbas ng 93.44.

Marami naman sa mga netizens at kapwa celebrity ni Paolo ang nag-congratulate sa achievement ng kanyang anak gaya nina Ryan Agoncillo, Kaladkaren Davila, Ciara Sotto, Pokwang, Neri Miranda, at Ann Boleche.

“Galeng,” comment ng co-host niya sa “Eat Bulaga” na si Ryan Agoncillo.

Saad naman ni Kaladkaren, “Deserb!!!! Galeng.”

“Good job Keira,” sey naman ni Ciara Sotto.

Hirit naman ni Mariz Umali, “Congratulations galing galing!”

Matatandaang noong Mayo ay proud na proud rin ang actor-TV host nang grumaduate with flying colors ang kanyang anak sa elementarya.

Si Keira Claire ay anak ni Paolo sa dating girlfriend na si Katrina Nevada.

 

Related Chika:
Pokwang, Paolo sanib-pwersa sa pagbibigay ng ayuda; ‘Pantry Sisters’ tagumpay

Read more...