TRENDING na naman ngayon ang Gonzaga sisters na sina Toni at Alex Gonzaga dahil sa mga kumakalat na larawan sa social media na kuha mula sa headquarters ng presidential aspirant na si Bongbong Marcos.
Base sa larawan ay tila dumalo ang dalawa sa Christmas party ng team nina Bongbong. Bukod sa Gonzaga sisters ay present rin ang asawa ni Toni na si Direk Paul Soriano at ang komedyanteng si Brod Pete.
Ang mga viral photos ay mula sa tweet ng Team Bongbong Marcos na may username na @marcosdaily_ph noong December 16.
“TINGNAN: Spotted sa Headquarters ni Presidential aspirant Bongbong Marcos sina Paul Soriano, TV actress/host at vlogger na si Alex Gonzaga at Herman Salvador o mas kilala sa tawag na Brod Pete. #BBM2022,” saad nito sa caption.
Marami naman sa mga netizens ang napataas ang kilay sa naturang post at hindi napigilan na mapa-react.
TINGNAN: Spotted sa Headquarters ni Presidential aspirant Bongbong Marcos sina Paul Soriano, TV actress/host at vlogger na si Alex Gonzaga at Herman Salvador o mas kilala sa tawag na Brod Pete. #BBM2022 pic.twitter.com/lGHqEV7amV
— Team Bongbong Marcos (@marcosdaily_ph) December 16, 2021
Ang petsa kasi ng pagkaka-upload nito ay ang kasagsagan ng matinding pananalasa ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Sey ng mgas netizens, napaka-insensitive naman daw na magdaos ng party at magsaya habang ang ibang mga kababayan ay nababahala sa kanilang mga ari-arian na unti-unting nasisira dahil sa hagupit ng bagyo.
“Piliin at taasan ang standards niyo sa pagpili na maging lider ng bansa di yong inuuna ang sarili at di lang dahil ang pagiging politiko ang alam niyang trabaho. Di siya deserve maging pangulo ng Pilipinas!’ comment ng isang netizen.
“FYI FOR FUTURE VIEWERS OF THIS POST: during the of time of posting this extravagant party, Super Typhoon Odette was ravaging the PH and displacing families, killing innocents, and destroying homes, while your precious BBM party on. Rock on?” saad naman ng isa pang netizen.
“It’s high-time to unfollow the Gonzaga Sisters…I unfollowed them already…such a shame!!!” sey naman ng isa pang netizen.
“Dapat di na lang kayo nagpost kung di na talaga kaya makansela, nakakahiya kayo. Sobra insensitive,’ hirit pa ng netizen.
Nilinaw naman ng Team Bongbong Marcos na noong December 14 pa ginanap ang event bago pa man ang hagupit ng bagyong Odette.
FACT CHECK: Ang mga litrato na kuha kasama ni presidential aspirant Bongbong Marcos sina tv host/actress at vlogger na si Alex Gonzaga at actor na si Brad Pette ay kuha pa lamang noong Disyembre 14, 2021. Bago pa man tumama ang Bagyong #OdettePH
— Team Bongbong Marcos (@marcosdaily_ph) December 18, 2021
Kahit na nilinaw na ng Team Bongbong Marcos na hindi real time ang kanilang posting ay hindi pa rin napigil ng mga netizens ang pagkadismaya sa Gonzaga sisters pati na rin sina Direk Paul at Brod Pete at nanawagan na i-cancel ang apat.
Narito ang ilan sa mga comments ng netizens.
“Nakakalungkot ‘tong Gonzaga sisters, bible-bible pero support sa mga buwitre at mandarambong.”
“Boycott the Gonzaga sisters YouTube account and upcoming movie. Toni and Alex don’t deserve support and admiration. Popular artists who can’t use their brains well.”
Samantala may mga nagtanggol rin Gonzaga sisters at sinabing irespeto na lamang kung ano man ang desisyon nila.
“Daming alam, it’s their choice. Akala ko ba may FREEDOM OF EXPRESSION? Freedom to choose. Iba-iba po tayo ng political views, lahat may K kung sino gustong suportahan,” sey ng isang netizen.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas ang Gonzaga sisters pati na rin sina Direk Paul at Brod Pete hinggil sa isyu.
Bukas naman ang BANDERA para sa kina Alex, Toni, Direk Paul, at Brod Pete sakaling naisin ng mga itong magbigay ng pahayag ukol sa isyung kinakaharap.
Related Chika:
Hirit ni Bongbong kay Direk Paul Soriano: Ano ang sikreto mo at fresh ka kahit nasa initan?