Mariane Osabel
WAGING grand champion ang palabang biritera at tinaguriang Ultimate Siren ng Iligan na si Mariane Osabel sa “The Clash 2021” finals night.
Tinalo ni Mariane ang Kulot Crooner ng Pampanga na si Vilmark Viray sa final one-on-one clash ng Kapuso reality singing contest kagabi, Dec. 19.
In fairness, deserving naman talagang manalo si Mariane dahil bukod sa kanyang powerful voice, winner na winner din ang kanyang napakapositibong pananaw sa buhay.
Sa huling round ng laban, sina Mariane at Vilmark nga ang nagharap matapos mapili bilang Top 2 Clashers. Hindi nga makapaniwala si Vilmark na siya ang sasabak sa one-on-one clash kasabay ng kanyang pagluha.
Hindi na naakabot saRound 6: Matira ang Pinakamatibay ang tatlong grand finalists na sina Julia Serad, Mauie Francisco at Lovely Restituto.
Sa Final Clash, inawit nina Mariane at Vilmark ang original compositions mula naman sa “The Clash” songwriting challenge kung saan mahigit 1,000 Kapuso raw ang sumali at nagpasa ng kanilang mga entry.
Napunta kay Mariane ang kantang “Bakit Mahal Pa Rin Kita” na isinulat ni Harish Joya, habang inawit naman ni Vilmark ang “Umuwi Ka Na” composed ny Christian Paul Rosa.
At sa huli nga ng last showdown, si Mariane ang nagwaging ikaapat na “The Clash” grand champion. Dito, hindi na napigilan ng dalaga ang maging emosyonal habang kinakanta ang kanyang victory song na “Bakit Mahal Pa Rin Kita”.
Tumataginting na P4 million worth of prizes ang napanalunan ni Mariane bilang Season 4 winner, kabilang na rin ang P1 million cash, house and lot exclusive management contract sa GMA 7.
Kahilera na ngayon ni Mariane ang “The Clash” grand champions na sina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco at Jessica Villarubin.
https://bandera.inquirer.net/300982/the-clash-2021-top-5-matira-matibay-na-ang-labanan-sa-final-showdown
https://bandera.inquirer.net/295018/ai-ai-lani-christian-sa-the-clash-4-hinahanap-namin-total-package-pero-sana-mabait-walang-attitude