MMFF 2021 Parade of Stars
SA kabila ng maulan at mahanging panahon, natuloy pa rin ngayong araw ang Parade of Stars ng 47th edition ng MMFF na ginanap sa Pasig River.
Maganda sana ang konsepto ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngunit hindi naman naka-attend ang malalaking artista na may entry ngayong taon.
Sa mga ferry boats nakasakay ang mga artista at staff ng walong pelikula ngayong 2021 MMFF na game na game na nakipagkawayan sa mga taong naghintay sa kahabaan ng Pasig River para masaksihan ang parada.
Hindi nakasama ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa ferry boat ng pelikulang “The ExorSIS” pero nakadalo naman sila programa ng MMFF sa Circuit Mall na ginanap after ng fluvial parade.
Wala rin sa ginanap na parada ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at co-star niyang si John Arcilla para sa pelikulang “A Hard day” mula sa Viva Films.
Kasalukuyan pa kasing sumasailalim sa mandatory quarantine si Dingdong sa isang hotel kasama ang asawang si Marian Rivera.
Galing sila sa Israel kung saan sinamahan ng aktor ang kanyang misis na naging judge sa 70th Miss Universe. May sakit naman daw si John kaya absent din sa Parade of Stars.
Ang mga co-stars lang nila sa “A Hard Day” na sina Meg Imperial, Pio Balbuena at Janno Gibbs ang nakasakay sa ferry boat (float) ng pelikula.
At dahil anim na buwan nang buntis ang Kapuso actress na si Winwyn Marquez, hindi na rin siya sumama sa Parade of Stars para naman sa pelikulang “Nelia” mula sa A And Q Film Productions.
Nakasakay maman sa float ng “Nelia” ang iba pang cast members nito tulad nina Raymond Bagatsing, Shido Roxas at ang baguhang si Juan Carlos Galano at ang sexy star na si Ali Forbes.
Hinubad pa nga si Juan Carlos ang suot niyang “Nelia” T-shirt at inihagis sa mga tao.
Nagpasabi naman daw ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu na hindi makakasama sa parada pero join pa rin ang mga co-stars niya sa pelikulang “Bawal Lumabas” tulad nina James Blanco, James Teng, Dave Bornea at ang direktor ng movie na si Adolf Alix, Jr..
Present din ang mga artista representatives ng iba pang pelikula tulad ni Direk Louie Ignacio para sa “Huling Ulan ng Tag-Araw” kasama ang mga bidang sina Ken Chan at Rita Daniela.
Nandoon din sina Jun Lana at Perci Intalan para sa “Big Night” kasama ang lead star ng movie na si Christian Bables.
At kahit hindi nakapunta sa fluvial parade, humabol din sa MMFF event sa Makati ang ilang artistang may entry sa filmfest kabilang na nga si Kim para sa “Huwag Kang Lalabas”, Toni at Alex Gonzaga ng “The ExorSis” at Daniel Padilla para sa “Kun Maupay It Panahon.”
Base kasi sa ipinatutupad na rules and regulations ng MMFF, kapag hindi naka-join ang isang produksiyon sa parada at awards night ay kailangan nilang mag-fine at hindi na makakasali sa susunod pang MMFF.
May napanood naman kaming video sa Facebook kung saan isinisigaw ng mga tao ang pangalan ni Daniel nang dumaan ang float ng “Kun Maupay It Panahon” pero nabigo nga silang makita ang boyfriend ni Kathryn Bernardo.
https://bandera.inquirer.net/297521/mmff-magbabalik-sinehan-8-official-entries-inilabas-na
https://bandera.inquirer.net/297639/mmff-2021-parade-of-stars-aariba-sa-pasig-river-aiko-gagawaran-ng-dangal-ng-lahi-award