Nadine Lustre
BINARAG ng actress-singer na si Nadine Lustre ang isang basher na nang-okray at kumuwestiyon sa ginagawa niyang pagtulong sa mga nabiktima ng bagyong Odette sa Siargao.
Second home na ng dalaga ang Siargao Island dahil may property na rin siya roon at matagal din siyang nag-stay doon nitong mga nagdaang buwan.
Kaya naman nang magsimula nang manalanta ang super typhoon sa nasabing isla at sa iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao, agad na nanawagan ang ilang celebrities kabilang na si Nadine, sa mga taong may kakayahang magbigay ng tulong.
Idinaan ng ex-girlfriend ni James Reid sa Twitter ang labis na pangamba at pag-aalala sa mga taga-Siargao na naging kapamilya at kaibigan na rin niya mula nang magbakasyon at manirahan siya roon nang ilang linggo.
Mensahe ni Nadine, “I’ve been frantic all day. my cortisol level hasn’t been this high in ages. I can’t even think straight. Please, let’s all help everyone affected by Typhoon Odette.”
“That trip to the airport wasn’t fun either. It was a freakin’ war zone,” aniya pa.
Maraming nakisimpatya sa dalaga ngunit may ilan ding nangnega sa kanya, tulad ng isang netizen na nagsabing mukhang may iba pa siyang motibo sa pag-aalala sa mga nasalanta ni Odette sa Siargao.
Tweet ng basher, “Kunwari Typhoon Odette (emoji) Nag Alala lang Yan kay Cristophe. Bilis maka Siargao (emoji).” Ang tinutukoy niya ay ang rumored boyfriend ng aktres na si Christophe Bariou na isang Filipino-French businessman.
Sa pagkakaalam namin, si Christophe ang founder at managing director ng Maison Bukana, isang luxury boutique resort na matatagpuan sa Sitio Lisob, Siargao Island.
Ito naman ang bwelta sa kanya ni Nadine, “Of course Im worried + para kang tanga (emoji).”
I’ve been frantic all day.
my cortisol level hasn’t been this high in ages.
I can’t even think straight.
Please, let’s all help everyone affected by Typhoon Odette.— Nadine Lustre (@hello_nadine) December 17, 2021
Kasunod nito, muling nakiusap ang aktres sa kanyang fans at social media followers na huwag mag-atubiling tumulong sa mga Typhoon Odette victims kung may extra money pang naitatago.
Ni-repost ng dalaga ang donation drive ng Siargo Beach Resort at ng For The Future PH na siyang nagsasagawa ng relief operatios para sa mga nasalanta ng super typhoon.
Todo rin ang pasasalamat ni Nadine sa kanyang mga supporters, lalo na ang Naddicts na nagsasagawa rin ng sarili nilang donation drive para sa mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao na nawalan ng tahanan at kabuhayan dahil kay Odette.
— Nadine Lustre (@hello_nadine) December 17, 2021