John Lloyd mas na-appreciate ngayon ang mga taong nagtatrabaho sa likod ng camera

John Lloyd Cruz

SA pagbabalik ng box-office king at award-winning actor na si John Lloyd Cruz sa mundo ng showbiz, mas naa-appreciate na raw ngayon ang bawat aspeto ng paggawa ng isang TV show. 

Mapapanood na uli ang bagong Kapuso actor sa upcoming comedy programa ng GMA, ang “Happy ToGetHer” na magsisimula na sa Dec. 26, Sunday.

Mukhang promising naman ang unang project ni John Lloyd sa Kapuso network dahil trailer pa lang nito ay bentang-benta na sa mga manonood base na rin sa mga nababasa naming comments sa social media.

Sa ginanap na online mediacon ng “Happy TogetHer” nitong nagdaang Dec. 17, nasabi nga ni Lloydie na mas bumilib pa siya ngayon sa lahat ng kanyang katrabaho, lalo na sa production staff.

Super involved kasi ngayon ang aktor sa creative process ng kanilang sitcom, “Mas nakikita ko how to really put up a show. ‘Yung talagang kumbaga innards ng proseso.

“Parang mas naging up-close ‘yung aking pag-witness, mas na-appreciate mo ‘yung hard work ng bawat isa, ‘yung hard work ng mga tao nasa likod, especially ‘yung mga nasa likod ng camera. So, siguro ‘yung mga bagong natutunan,” aniya pa.

Todo naman ang pasasalamat ni Lloydie sa mga bossing ng bago niyang network na sina Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, GMA Films President and Programming Consultant to the Chairman and CEO Atty. Annette Gozon-Valdes, at First Vice President for Program Management Department Joey Abacan.

“Malapit nang ipalabas ang produkto ng binuong pamilya ni Direk Bobot Mortiz ang Happy ToGetHer po on December 26 sana po abangan n’yo.

“Sana ho linggo-linggo n’yo kami samahan, kasabay ng inyong hapunan at nagpapasalamat muli ako sa GMA for allowing us to have a home. Sa Kapuso Network maraming-maraming salamat kay Ma’am Annette  kay Sir. Joey and kay Mr. Gozon, thank you so much,” ani John Lloyd.

Pahayag naman ni Joey Abacan, “Tuwang-tuwa ako, dahil ito ang nagsilbing Pamasko sa amin dito sa GMA and at the same time ito rin ang ipa-passover namin sa inyo as Pamasko ng GMA sa inyo, dahil ang tagal ng usapan dito.

“Ang daming pinagplanuhan and I would like to formally tulad noong sinabi ko noong November 9 formally welcome one of our creative producers and not only an actor, but also our creative producer si Lloydie.

“So, hopefully mas marami pa gagawin si John Lloyd sa atin and I really like to thank also Direk Bobot Mortiz and his cast.

“I’d like to make a special welcome also to the people, who came from the other side. Noong una, hello lang from the other side lang kami, but this time welcome kayo dito sa amin,” sabi ng TV executive.

Mapapanood na ang “Happy ToGetHer” simula sa Dec. 6, 7:40 p.m. at kasama rin dito sina Miles Ocampo, Carmi Martin, Jayson Gainza at Ashley Rivera, sa direksyon ni Bobot Mortiz.


https://bandera.inquirer.net/289568/rason-ni-john-lloyd-kaya-nagbalik-showbiz-gusto-ko-makita-ako-ng-anak-ko-na-nagtatrabaho

Read more...