Wynwyn Marquez kumpirmadong buntis

Wynwyn Marquez kumpirmadong buntis
INAMIN ng Kapuso star at dating beauty queen na si Wynwyn Marquez na buntis na siya.

Sa grand presscon ng Metro Manila Film Fest entry na “Nelia”, ay masayang ibinahagi ng aktres ang balita.

“I am pregnant,” nakangiting saad ni Wynwyn.

Kuwento niya, 6 months na siyang buntis sa kanyang non-showbiz boyfriend.

“I tried to… syempre gusto ko muna siyang itago hangga’t hindi pa sure…” dagdag pa niya.

Ibinahagi niya rin ang kwento ng kanyang pagbubuntis sa kanyang YouTube vlog na pinamagatang “The Start of a New Chapter”.

“Yes, there it is. Me and my partner we’re both so happy. My family, everyone super saya namin,” sabi ni Wynwyn.

Napakasaya niya dahil ito ang kanyang magiging “Christmas gift” sa kanilang mga mahal sa buhay.

“Gusto ko sabihin sa inyo ‘yung nangyari sa akin ang ‘yung blessing na binigay sa amin. We’re so happy. We’re over the moon. I’m so excited for this part of our life and for this chapter to start,” dagdag pa ni Wynwyn.

Balak naman ang aktres na i-prioritize muna ang sarili at kanyang baby pero nagpahayag naman pagsuporta ang kanyang Kapuso family sa kanyang desisyon.

Si Wynwyn Marquez ay anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Pinarangalan din siya bilang Reina Hispanoamericana Filipinas nang sumali ito sa Miss World Philippines noong 2017.

Nagwagi rin siya bilang Reina Hispanoamericana noong Miss World 2017 na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia.

Related Chika:
Joey Marquez 2 beses pinatay sa social media
Angeline Quinto kumpirmadong five months preggy sa non-showbiz dyowa

 

Read more...