Catriona Gray binalikan ang Miss Universe journey: Please, just never, ever give up

Catriona Gray binalikan ang Miss Universe journey: Please, just never, ever give up

SINO nga ba ang makakalimot sa araw na muling naiuwi ng Pilipinas ang Miss Universe crown matapos manalo ni Catriona Gray?

Isa ang Miss Universe sa mga beauty pageants na inaabangan ng mga tao sa iba’t ibang sulok ng mundo lalong lalo na sa Pilipinas.

At eksaktong tatlong taon na ang nakalilipas buhat nang mapuno ng nakabibinging tilian, sigawan, at palakpakan ang bawat sulok ng Pilipinas nang magtagumpay si Catriona sa pagbandera ng Pilipinas sa buong mundo.

Sa kanyang Instagram account ay muling binalikan ng beauty queen ang kanyang naging Miss Universe journey.

“Crazy to think that 3 years ago today my dreams came true. And I’m infinitely proud to have represented and brought pride to my country.

“To celebrate, I’m sharing never seen before snaps from my MU (Miss Universe) journey. Enjoy,” saad ni Catriona.

Aniya, mala-rollercoaster daw ang naging reign niya na natapos noong December, 2019.

Ngunit naniniwala siya na hindi lang siya ang mag-isang nakakaramdam na tila may mga naisakripisyo siyang oras na sana ay para sa pamilya — na may mga plano siyang hindi natuloy at may mga pangarap na pansamantalang isinantabi.

Lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan lahat ay walang kasiguraduhan, paniguradong marami sa atin ang naliligaw at hindi alam kung saan mag-uumpisa o kung paano magpapatuloy.

Ngunit kahit na mahirap ay nais ipaalala ni Catriona na kinakailangan pa rin nating lumaban.

“Collectively, we have faced adversities and challenges. But I want to encourage you. Behind every hindrance is an opportunity. Behind every closed door, is one that is set aside, just for you, waiting to be opened.

“Behind every perceived denial, is a redirection. In God’s perfect time, dreams come true. Please, just never, ever give up in the pursuit of your purpose.”

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang ika-apat na Filipino na nakapag-uwi ng korona mula sa pinaka-prestihiyosong pageant sa buong mundo.

Ilan pa sa mga nagtagumpay na masungkit ang korona ay sina Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).

Related Chika:
Catriona hindi active sa social media: It’s become a bit much

 

Read more...