Pagsabak sa showbiz ni Rabiya kinontra; ituloy na lang daw ang pagiging physical therapist sa US

Rabiya Mateo

MARAMI ring kumontra sa naging desisyon ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na pasukin na rin ang magulo ngunit makulay na mundo ng showbiz.

Hindi pala lahat ng kapamilya at kaibigan ng dalaga ay boto sa pagsabak niya sa pag-aartista, meron ding nagsabi sa kanya na mas piliin niya ang tahimik na buhay kesa sa maintrigang mundo ng entertainment industry.

Inamin ni Rabiya na matapos ang kanyang journey sa Miss Universe 2020 ay napag-isip talaga siya kung ano ang susunod na gagawin niya sa kanyang buhay at career.

Isa sa mga binabalak niya noon ay ang ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang physical therapist sa Amerika.

Bago pa siya mag-join at manalo sa Miss Universe Philippines, nagtatrabaho na si Rabiya bilang licensed physical therapist at isa nga sa mga plano niya noon ay ang mag-aral uli sa US.

“But (some people) did advise me to think about it (pasukin ang showbiz), ‘cause iba rin kasi ‘yung, you know, tahimik ‘yung life. And, at the same time, I can practice my studies, my course, by being a physical therapist,” pahayag ni Rabiya sa panayam ng GMA Network.


Ngunit sa huli, nagdesisyon nga ang Pinay beauty queen na subukan muna ang pagiging artista. Aniya, nu’ng una ay may mga pumipigil sa kanya dahil nag-aalala ang mga ito na mabigo siya at masaktan sa huli.

“But I told my mom na I think I wanna give it one more try this time. Wala na din namang mawawala sa akin.

“And everytime siguro na nahihirapan ako, everytime nare-remind ako sa lowest point ng life ko, iniisip ko lang palagi na ang laking sacrifice ko just to be here and I cannot just give up,” pahayag ng dalaga na ngayon ay isa na ngang certified Kapuso star.

Napanood na siya Rabiya sa ilang show ng GMA, tulad ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” at “Wish Ko Lang.” Very soon ay bibida na rin si Rabiya sa book 2 ng Kapuso action-fantasy-drama na “Agimat ng Agila” starring Sen. Bong Revilla.

Rabiya Mateo ayaw na ayaw ng dinuguan; muntik maputol ang dila dahil sa…

Read more...