‘Niña Niño’ ni Maja sa TV5 extended na naman; mga bagong karakter ipinakilala na

Maja Salvador at Noel Comia

ISANG linggo bago ang Pasko, may handog na regalo ang TV5 para sa mga Kapatid viewers.

Dahil sa umaapaw na pagmamahal at suporta sa kanilang highly rated series, buong pagmamalaking ibinabahagi ng TV5 na ang “Niña Niño”ay ma-e-extend pa at marami pang hatid na mga sorpresa.

Magmula nang umere ito noong Abril ngayong taon, nakatanggap ang show ng record-breaking ratings at ginawaran ito ng Asian Academy Creative Awards bilang National Winner for Best Drama Series 2021. 

Kinilala din ang outstanding na performance ng “Niña Niño” lead star na si Maja Salvador sa pagtanggap niya ng National Winner for Best Actress 2021 award mula sa nasabing international award-giving body. 

Hindi rin matatawaran ang husay sa pagganap sa nasabing serye ng award-winning young actor na si Noel Comia, ang kapatid ni Maja sa kuwento.

“We would like to congratulate the stars and teams that were recognized by the Asian Academy Creative Awards. 

“We have seen Niña Niño’s great impact on our viewers and we think that this series extension would be a great gift for their supporters. Niña Niño reminds us to never give up despite the challenges we may face and that we can conquer anything as long as we have each other. 

“It’s the perfect message that is in line with TV5’s ‘Atin Ang Paskong Ito, Kapatid’ campaign in this season of hope,” pahayag ni Cignal and TV5 President and CEO Robert Galang.


Bilang pagpapasalamat para sa pagmamahal at suporta ng kanilang fans, ipinagdiriwang ng “Niña Niño” ngayong Pasko ang kanilang mga tagumpay at ang mga bagong cast na makakasama, na kinabibilangan nina Matet De Leon, Jairus Aquino, Nikki Valdez, Alex Medina, Harvey  Bautista, Nikko Natividad at Mon Confiado. 

Mas magiging kapana-panabik ang kaganapan sa Brgy. Santa Ynez dahil may magbabalik mula sa nakaraan at may mabubunyag na sikreto sa dalawang magkapatid na sina “Niña at Niño.”

Mapapanood ang “Niña Niño” sa TV5 tuwing Lunes, Martes, at Huwebes, 7:15pm, bago mag-“FPJ’s Ang Probinsyano” at pagkatapos ng “Sing Galing.” 

Read more...