Ritz Azul natupad ang dream wedding sa Palawan

Ritz Azul natupad ang dream wedding sa Palawan

MULING ikinasal sa pangalawang pagkakataon ang aktres na si Ritz Azul sa kanyang asawang si Allan Guy sa Club Paradise Palawan noong Sabado, December 11.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ng aktres ang ilang mga litrato kuha sa kanilang kasal.

“We did it! Dream wedding destination on our dream wedding date with the best suppliers and close friends. Thank you so much, everyone!” saad ni Ritz.

Marami naman ang nagpa-abot ng best wishes sa aktres at asawa nito na labis ang tuwa dahil natupad nila ang kanilang dream wedding sa pinapangarap rin nilang petsa.

“Congrats. Beautiful couple. Welcome to the club and always stay in the honeymoon stage! Stay safe,” saad ng isang netizen.

“Congratulatioooons!” sey naman ng artistang si Valeen Montenegro.

“The date is palindromic. And you two are just perfect,” sabi naman ng netizen na nireplyan ni Ritz ng “yes! Thank you!”

Matatandaang una nang ikinasal ang aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Allan Guy sa Alphaland Baguio Mountain Lodges noong nakaraang buwan, Nobyembre 20 na dinaluhan ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Kuwento niya noong first wedding niya, tila pinapaburan sila ng panahon dahil ilang araw bago ang kanilang kasal ay madalas ang pag-ulan ngunit noong mismong wedding day nila ay walang ulan na naganap.

“Perfect weather and perfect scenery on our wedding day. Thank God!

“Days before our wedding medyo umuulan sa Benguet and everyday nagche-check kami sa weather forecast, ang sabi uulan on November 20 (wedding day). So Allan and I (pati suppliers namin) prayed na kahit man lang sa oras ng ceremony wag sana umulan. Pagdating ng November 20, God gave us a perfect weather and a beautiful sunset. Day after our wedding, naging makulimlim na ulit. Thank God! This is one of the reasons kaya extra ang happiness and gratefulness namin ni @allan_guwi.”

Related Chika:
Ritz Azul ikinasal na sa non-showbiz BF, mala-dyosa sa suot na wedding gown

Read more...