Gabbi gustong magpakatotoo lagi sa love; TBATS may pasabog na ’12 Days of Christmas’

Khalil Ramos at Gabbi Garcia

HUWAG na huwag nang bibitiw sa huling dalawang araw ng hit Kapuso afternoon series na “Stories from the Heart: Love On Air” nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Talagang abangers na ang mga manonood kung magkakaroon pa ba ng happy ending ang love story ng karakter ni Gabbi bilang si Wanda o Miss Wonderful.

Sa huling linggo ng “Love On Air”,  ipinakita na nga na tila may namumuong competition sa pagitan nina Nacho Bautista (Yasser Marta) at DJ Joseph (Khalil) para makuha ang puso ni Wanda.

Sa pasabog na ending ng serye, abangan kung sino nga ba ang magwawagi sa dalawang binata, sino kaya ang makakatuluyan ni Miss Wonderful?

Sa panayam ng GMA, sinabi ni Gabbi na medyo malayo ang ugali at personality ni Wanda sa kanya pero pareho raw silang madiskarte sa buhay.

“To be honest malayung-malayo si Wanda sa personality ko. Her being hardworking, and very madiskarte sa buhay siguro I can relate to that kasi ako ever since I was a kid I’m a very goal oriented person.


“I like beating deadlines, I like having plans, meron akong target na by this age I have to be like this parehas kami ng diskarte sa buhay ni Wanda which I feel is also important na somehow may parallel kami ni Wanda,” chika ni Gabbi.

In fairness din daw, marami siyang natutunang life lesson sa “Love On Air” at may napulot din siyang love advice mula sa kaniyang role sa serye.

“As Gabbi siguro, the advice that I want to get from Wanda is to be always straightforward when it comes to love, no time wasted, also mahal na mahal kasi ni Wanda yung family niya before anyone else. So, siguro yun din to love yourself more before anyone else,” pahayag pa ng Kapuso actress at TV host.

Anyway, abangan n’yo na lang ang huling dalawang hapon ng “Stories from the Heart: Love On Air” pagkatapos ng “Las Hermanas” sa GMA Afternoon Prime.

* * *

May pa-shoutout ang “The Boobay and Tekla Show” (TBATS) ngayon Christmas season bilang pasasalamat sa lahat ng walang sawang nanonood sa kanila tuwing Linggo.

Ilang araw na lang at Pasko na kaya naghanda ang “TBATS” hosts na sina Boobay at Tekla pati na ang Mema Squad members na sina Pepita Curtis, Ian Red, at Kitkat para sa top fans at sa patuloy na sumusuporta sa kanilang programa.

Makikita sa official Facebook page ng show ang unang video na may title na “TBATS: 12 Days of Christmas,” kung saan binigyan nina Boobay at Pepita Curtis ng shoutout ang ilang solid fans at supporters ng programa mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Abangan ang nakatutuwang “TBATS: 12 Days of Christmas” araw-araw hanggang Dec. 25 sa social media pages ng “The Boobay and Tekla Show.”

Para sa non-stop kuwentuhan at kasiyahan, abangers lang kayo lagi sa “The Boobay and Tekla Show” tuwing Linggo, 10:30 p.m. pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

https://bandera.inquirer.net/299076/love-on-air-nina-khalil-at-gabbi-trending-sa-socmed-gabli-fans-pinainit-ang-twitter

https://bandera.inquirer.net/293872/gabbi-garcia-naiyak-sa-muling-pagpirma-ng-kontrata-sa-gma-type-gumawa-ng-lgbtq-project

https://bandera.inquirer.net/290793/gabbi-ghinost-si-khalil-noon-para-makipagbalikan-sa-ex-boyfriend

Read more...