Jennica Garcia, Alwyn Uytingco nangangamoy balikan na: ‘Best Christmas gift ever!’

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco

SIGURADONG masayang-masaya ngayon ang mga kapamilya,  kaibigan at supporters ng celebrity couple na sina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Mukhang nangangamoy balikan na nga ang nagkahiway na mag-asawa base na rin sa mga bagong kaganapan sa kanilang buhay.

Pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng mga netizens ang ipinost na litrato ni Alwyn sa social media na kuha sa pagba-bonding nila ng pamilya sa isang Japanese restaurant.

Walang isinulat na caption ang aktor sa kanyang IG post pero sapat na ang tatlong heart emojis na ipinost niya para ipahayag sa buong universe ang nararamdaman niyang kaligayahan.

Kasama ng aktor sa mga litrato na ibinahagi niya sa Facebook si Jennica at ang dalawa nilang anak na sina Mori at Alessi.

Kitang-kita sa mga photos na super enjoy na enjoy ang mga bata sa kanilang bonding moments habang marami ang nagkomento na ibang-iba na ang mga ngiti nina Jennica at Alwyn base sa mga litrato.

“Good to see you together again,” ang comment ni Lourdes Regala Garcia.

“Happy family,” sabi naman ni Janine Guiao-Morante.

“Congrats! Happy for both of you, cheers,” sey ni Don Miguel.

Comment ni Cristina Mendiola, “The best Christmas gift ever. Happy family again. God bless!”

“Happy for you kuya,” sey ni Maria Nicolas.

“Sana nga tuluyan na kayong magkaayos. Im sure love na love nyo pa rin ang isat isa,” ang reaksyon na isa pang netizen.


Inamin ni Jennica kamakailan na nagkasundo sila ni Alwyn na ayusin muli ang kanilang pagsasama, “I am very thankful to Jesus because he heard my prayers. 

“He gave me what I was waiting for–Alwyn to come back for us. He expressed his desire for family restoration,” sabi ng aktres sa isang panayam.

Ikinasal ang showbiz couple noong February, 2014 at nitong nagdaang Mayo lang ay kinumpirma nga ni Jennica na naghiwalay na silang mag-asawa. Hanggang ngayon ay wala silang ibinibigay na dahilan about their break-up.

Napapanood ngayon si Jennica sa Afternoon Prime series ng GMA na “Las Hermanas” na pinagbibidahan nina Albert Martinez, Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Faith da Silva.
https://bandera.inquirer.net/281711/jennica-umaming-wasak-ang-puso-may-open-letter-para-sa-2-anak
https://bandera.inquirer.net/295506/jennica-garcia-alwyn-uytingco-magkakabalikan-na-ba

Read more...