Beatrice Gomez hopeful na maiuuwi ni Tracy Maureen Perez ang korona sa Miss World 2021

Beatrice Gomez naniniwalang magwawagi si Tracy Maureen Perez sa Miss World 2021

SUPORTADO ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang kapwa Cebuana at pambato ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez sa Miss World 2021.

“I know Tracy as a very strong woman. She’s very independent,” saad ni Beatrice sa isang press conference noong Martes matapos ang kanyang journey sa naganap na Miss Universe kung saan nakapasok siya bilang isa sa mga Top 5 noong coronation night na ginanap sa Eilat, Israel.

Dagdag pa niya, “She was raised by a single mom. She’s a challenging life but she was able to overcome it. She became stronger each year despite not achieving the titles she wanted.

Naniniwala si Beatrice na mananalo si Tracy at magtatagumpay na maiuwi ang korona sa bansa.

“I know Tracy is determined especially she won the national round. I’m hopeful na manalo siya sa international round this time,” sey pa ni Beatrice.

Sa pagtatapos nga ng Miss Universe 2021 journey ni Beatrice ay ang simula naman ng laban ni Tracy para maiuwi ang korona sa darating na Miss World.

Sa ngayon ay nasa Puerto Rico si Tracy para irepresenta at ibandera ang bandila ng Pilipinas sa Miss World 2021.

Pasok na rin ang dalaga sa Top 30 ng kompetisyon matapos manalo sa unang round ng head to head challenge.

Pasok rin ang proyekto ni Tracy na “Para Kay Nanay” bilang top 5 sa Beauty with a Purpose (BWAP) challenge fast track category.

Samantala, gaganapin naman ang coronation night sa December 16 sa San Juan, Puerto Rico (December 17 sa Pilipinas).

Kung papalarin si Tracy na manalo ay siya ang ikalawang mag-uuwi ng Miss World crown sa Pilipinas na unang nasungkit ni Megan Young noong 2013.

Related Chika:
Tracy Perez pasok na sa 2021 Miss World Top 30; tinawag na ‘Queen B’ si Beatrice Gomez

 

Read more...