KAPAG sinabing pelikula ni Direk Cathy Garcia-Molina ay sure ball na ito sa box-office, pero sabi niya sa amin dati pa na may mga pelikula rin siyang hindi malakas, pero hindi naman flop dahil lampas pa rin ng P100 million kaya kumita pa rin ang Star Cinema.
Tanda namin na may pelikula siya na ang mga bida ay napakalalaking artista at tiyak na dinugo ang Star Cinema sa talent fees ng mga ito at hindi man ganu’n ka-blockbuster ito, pero kumita nang husto dahil bayad ito ng kilalang produkto.
Kaya namin ito nabanggit ay malaking sugal ang ginawa ng Star Cinema sa mga baguhang artistang katulad nina Kaori Oinuma, Daniella Stranner, Jeremiah Lisbo, at Anthony Jennings na kahit may mga nagawa ng pelikula o series ay pawang suporta palang sila.
Ngayon ay sila na mismo ang bida sa “Love at First Stream” na movie entry ng Star Cinema sa 2021 Metro Manila Film Festival na mapapanood simula sa December 25.
Kaya ang tanong namin sa blockbuster director kung hindi ba siya nahirapang paartehin ang apat na baguhan at kung sa tingin niya ay sisikat sila.
“I am always in no position to tell who’s going to make it or not. Very unfair naman for me to say na, ‘ito si Maiah (Jeremiah) wala ‘tong kuwenta, ha, haha hindi sisikat ‘to. Hindi-hindi, I can never say that.
“But I can always answer na kung nagbigay sila ng best, yes they did. Did they behave properly, yes they did. At kung nahirapan ako, yes I did, ha, ha, ha, haha,” tawang-tawang sagot ng direk Cathy.
Dagdag pa, “but lagi kong sinasabi sa mga bata pag acting ang problema wala kaming pag-aawayan at kahit tanungin sila. Minsan nagsusungit ako pero hindi ko kayo napapagalitan masyado pag hindi kayo nakaka-perform kaya bihira ko silang mapagalitan.
“Kasi ang laging problema lang naman nila is the inability to give what I need kasi hindi pa naman nila nararanasan. ‘Yung ibang emotion hindi pa nila alam. But in terms of following instructions and behaving sobrang bait ng mga batang ito kaya hindi ko sila ever napagalitan.
“Isingit ko na rin, ‘tong mga batang to, parang wala akong artista sa set (kasi) walang pa-star! E, subukan naman nila nakakahiya kina Agot Isidro, di ba?”
Natawa si Agot sa narinig, “direk naman ha ha, ha.”
“I always tell them, senior stars they deserved that, eh. And yet walang pasaway diyan, si Pinky (Amador), si Iggi (Boy Flores) oh my God! Ang babait ng mga ‘yan tapos kayo ang papa-star dito? Baka pitikin ko talaga kayo. Pero wala, wala naman talaga and ‘yun ang lagi kong happiness,” paliwanag ni direk Cathy.
Pero inamin ding nahirapan siyang i-direk ang apat na bida, “oo but with all my love ‘yun. Walang problema ‘yung hirap na ‘yun kasi nakikita kong gusto nilang matuto at gusto nilang gawin.
“In fact mayroon akong mga takes na si Daniella na sabi ko, ‘okay na ‘yan, okay na ‘yan.’ (Sasabihin niya), ‘direk one more please? Kasi alam naman niyang hindi ako ganu’n ka-happy. May sariling eagerness ‘yung mga bata to perform better.”
Natanong din ni MJ Felipe host ng mediacon sina Agot at Pinky kung totoong mababait nga ang apat na bida ng “Love at First Stream”.
Mabilis na sagot ni Pinky, “super true! Like I said earlier, pangatlo na namin ito ni Maiah and wala kang maririnig, walang problema tapos matulungin pa sila like if they see you’re struggling with something they’ll be the first to offer help, ‘yung ganu’ng klaseng pakikisama. Ang sarap di ba kung laging ganu’n ang makaka-trabaho mo?”
Ayon naman kay Agot, “alam mo MJ, they’re the nicest people to work with and they’re very hardworking. Masisipag at talagang piga and they’re open to it. Hindi sila nabubuwisit kung baga parang, ‘sige go, gawin natin.”
Dagdag ni MJ, ‘hungry to work.”
At kapag off-camera ay mababait pa rin at namimigay ang apat ng pagkain nila gayun din si Agot.
At ang pangarap ni direk Cathy sa apat, “sana mabigyan pansin ang galing ng mga bata sa pelikulang ito kasi they’re really did well.”
Naniniwala kami na ang mga baguhang artistang ito ay magiging money maker ng ABS-CBN Star Cinema soon at sana manatiling nakatapak ang mga paa nila sa lupa.
Kasama rin sa pelikula sina Vien King, Isabella Policarpio, Ashley Polinar, at Quincy Villanueva.
Related Chika:
Direk Cathy Garcia Molina natupad na ang pangarap na mapasama ang pelikula sa MMFF