GRETCHEN mas masahol pa sa mga palengkera, RADIO ANCHOR binastos


NU’NG nakaraang Sabado ginanap ang Star Magic Ball sa Fairmont Hotel sa Makati City at ito’y dinaluhan ng mga glamorous stars ng Star Magic ng ABS-CBN. Umalingasaw ang bango sa buong ballroom ng nasabing hotel – pabonggahan ng mga damit at patingkaran ng dating.

Some shone and some truly made marks. Everyone’s floating in that kingdom called showbiz.  Aside from Star Magic artists, they also invited some guest stars – yung mga nakatrabaho na rin nila.

Some former Star Magic stars led by the beautiful and classic beauty like Kristine Hermosa escorted by gorgeous husband Oyo Sotto.

What a lovely pair indeed! Ms. Dawn Zulueta joined the ramp with handsome politico/husband Anton Lagdameo.
Daniel Padilla was dashing na nakaabre-siyete pa raw sa rumored GF na si Kathryn Bernardo who looked so lovely – making them the recipient of Couple of the Night award.

Gretchen Barretto came, I didn’t ask kung sino ang ka-date nito because her daughter Dominique came with our baby Enchong Dee. Gretchen came in pearls pero ang ugali remained intact and very consistent, slightly may pagkabastos ang dating.

Why? Ganito kasi iyon, reason why I’m fuming mad at her. My BFF and “Mismo” show sa DZMM partner Papa Ahwel Paz did some random interviews of the stars as part of our job.

Wala ako roon, just Papa Ahwel who came with lovely daughter Elijah (Elay) na nag-camera girl for him as he did some interviews. Sweet girl, di ba? Bata pa nagtatrabaho na for daddy.

Anyway, I caught a video kung saan nag-attempt si Papa Ahwel na interbyuhin si Greta. He asked permission naman kung maaaari ba itong mainterbyu in her beautiful gown, pumayag naman daw ito, “Okay lang basta walang intriga ha!” pakiusap ng aktres.

Oks lang kay Papa Ahwel and while he was doing his intro, biglang nag-walk away ang Gretchen na parang walang commitment.

Wala man lang pasabing lalayasan pala niya ang interviewer niya, how rude, di ba? How declasse! Para siyang walang urbanidad na basta na lang tinalikuran ang kausap niya.

What does Gretchen want to imply? That she’s a goddess na dapat lahat ng tao ay niluluhuran siya? Na lahat ng tao ay kaya niyang ibulsa? Just because she is popular and moneyed ay puwede na siyang mambastos ng kapwa?

I don’t think that’s a license para talikuran na lang basta-basta ang taong kumakausap sa kaniya. Kung meron siyang urbanidad dapat ay nagpasintabi sana siya kung meron siyang gustong kausaping iba or what. Bastusan na ‘yun, di ba?

“She’s truly disgusting. Who does she think she is? Kabit lang naman siya, di ba?” reaksiyon ng isang texter namin nu’ng ipinakita namin ang video sa “Mismo” last Thursday.

Nasaktan ako for my BFF na napakabait at sobrang talino (pero nasa lugar ha, as I would always say of him sa intro ko sa said program). He doesn’t deserve na mabastos, or anyone for that matter.

Kung naliliitan siya sa amin bilang mga reporter, aba’y mas lalong naliliitan kami sa kaniyang pagkabastos. A tooth for a tooth, ika nga.

Walang kuwenta ang magandang baro mo kung hindi mo naman kayang sabayan ng magandang pag-uugali. Is that the way you were brought up, sobrang kayabangan?

Parang mabait naman sina Mommy Inday at Daddy Mike, ah. Wala kasi siyang pakialam kung meron siyang naiinsultong kaluluwa.

Porke ba maganda ka at may pera ay dapat sunud-sunuran lahat sa iyo? How sad, really sad…I can’t imagine how my baby Elay reacted to Gretchen’s walking away from her dad.

Naisip siguro ng bata na hindi naman sila tinuruang maging ganoon at home or in school. Meron kasing Good Manners and Right Conduct sa mga paaralan at hindi ko alam kung na-practice ito ni Gretchen when she was still a student.

Diyos kong mahabagin! Sayang ang mga perlas na iyan at magarang damit kung hindi mag-complement with a nice pagkatao, di ba? Sayang ka, Greta.

Now I understand kung bakit ganoon kagulo ang buhay mo. Kungsabagay, kung nagagawa mo nga iyan sa sarili mong kadugo, how do we expect you to be good to other souls.

Nasasaktan ako for my friend Papa Ahwel because he’s too decent to be treated that way. Sana ay maging sensitive ka naman sa mga kapwa mo.

Hermes nga ang bag mo pero ugali mo naman ay masahol pa sa mga palengkera sa talipapa. We’d rather remain the poorest of the poor pero may takot naman sa Diyos at malasakit sa kapwa.

Kung para sa iyo ay balewala iyon, na maliit na bagay lang iyon, para sa amin ay HINDI! Respeto lang sa kapuwa Gretchen. Huwag yung kabastusan. I hope I made myself clear.

( Photo credit to Google )

Read more...