HOROSCOPE September 14, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: May mga sopresa at kakaibang pangyayaring darating. Sa pag-ibig muling titibok ang puso, sa biglaang pagkakita sa dati mong crush. Sa pinansiyal, may mag-aalok ng bagong pagkakakitaan na siguradong kikita – sunggaban mo agad. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. “Aum-Bhanah-Bhanah-Aum.” Silver at metallic blue ng buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Ang pagiging matapat ang susi ng tagumpay. Maging tapat sa sinumang kausap upang mas kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, magpakatotoo ka sa tuwing kakausapin ang kasuyo upang maiwasan ang hindi pagkakaunaaan. Mapalad ang 3, 9, 18, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Maroon at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –   Lahat ng tao ay may utang. Isipin mo na lang na darating din ang panahong makakabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, mag-isip ng paraan kung paano ka matutulungan ng iyong kasuyo sa aspetongpang-pinansyal. Mapalad ang 2, 19, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Purple at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)   – Negosyong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon ang iaalok ng isang kaibigan, kung siya ay isang Virgo makisosyo ka sa kanya.  Sa pag-ibig, may magte-text, ang dating kasuyo – na mi-miss ka na nya! Mapalad ang 6, 18, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)  – Kahit malamig ang panahon hindi ka dapat tamarin. Lalo mo pang pasiglahin ang kalakalna may kaugnayan sa transportasyon at modernong kumunikasyon. Sa pag-ibig, itext ang kasuyo, sabihin sa kanya ang mahiwagang katagang: “Ingat… I love you.” Mapalad ang 5, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. White at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –   Magiging masaya at masagana ang daratingna kapaskuhan kung papalitan ang lumang kurtina o pintura ng dingding sa inyong bahay. Dilaw at apple green ang magdadala sa buong pamilya ng maraming salapi at kaigaigayang pag-ibig. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”.
Virgo – (August 23 – September 22)   – Magkapatalino ka. Upang kumita ng malaking halaga, utak ang gamitin. Sa pag-ibig, sa sandaling naging emosyonal, muli na namang papatak ang luha. Mapalad ang 1, 10, 27, 33, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Om.” Blue at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Mag-plano bago kumilos! Siguraduhin may feasibility study ang papasuking negosyo bago maglabas ng salapi. Sa pag-ibig, ngayon palang ibigay mo na  at ipadama ang mga bagay na nagpapaligaya sa kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 23, 29, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Om.” Pink at gray ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –    Iwasan ang bisyo! Panatiliing malusog ang katawan, upang hindi na gumastos ng malaking halaga sa pagpapa-ospital at pambili ng mamahaling gamot. Tandaang ang kalusugan ay kayamanan. Mapalad ang 7, 16, 23, 37, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Gayatri-Om.” Red at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)     – “Positive thinking” ang kailangan, laging isiping: “Kikita ako ng malaking halaga!” Makikita mo, yon nga ang mangyayari! Sa pag-ibig, wag magisip ng masama sa kasuyo, ang totoo mahal na mahal ka nya! Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Gayatri-Om.” Violet at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)    – Konting higpit sa salapi ang kailangan upang mas mabilis na makaipon. Sa pag-ibig, imbis na ipanood ng sine, yayain ang kasuyo sa tahimik na silid at duon kayo manood ng DVD. Mapalad ang 4, 16, 22, 29, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Shati-Om-Pad-Me-Om.” Orange at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)   – Hangga’t hindi nalilimot ang nakaraan, magiging alipin ka ng kasawian. Ngayon na ang tamang panahon upang limutin na ang kahapon. Abangan mo ang pagdating ng isang Libra, siya ang magpapaligaya sayo. Sa pinansiyal, tapos na ang pagkalugi. Mapalad ang 4, 13, 22, 28, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Savitra-Aum.” Yellow at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –   ‘Wag magpabago-bago ng isip. Kikita ng malaking halaga kung biglang desisyon at aksyon agad ang ipapatupad. Sa pag-ibig, wag babagal-bagal, sa sandaling nagpakita ng motibo ang kasuyo, tularan mo ang ahas – tuklaw agad! Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Lilac at pink ang buenas.

Read more...