Marian kay Dingdong: From being my cheerleader to waterboy, thank you for everything!

Marian kay Dingdong: From being my cheerleader to waterboy, thank you for everything!

LABIS ang pasasalamat ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang asawang si Dingdong Dantes sa suportang ibinigay nito sa kanya nang maging parte siya ng ika-70th edition ng Miss Universe kung saan isa siya sa mga napili na maging bahagi ng selection committee.

Sa Instagram account nito ay ibinahagi ng aktres ang kanilang sweet photo ni Dingdong na kuha sa Eilat, Israel.

“Before this trip ends, I’d like to thank the best husband I could ask for — from being my cheerleader to waterboy, thank you for everything that you do for us.

“Thanks for creating memories with me so that we can look back at them together. Love you!” dagdag pa niya.

Sa mga nagdaang araw simula ng lumipad sina Marian at Dingdong papuntang Eilat, Israel ay talga namang kitang-kita ang pagmamahal at labis na pagsuporta ng aktor sa asawa.

Kamakailan ay nag-trending rin ang isinulat namin dito sa Bandera kung saan nag-ala waterboy pa si Dingdong kay Marian na nagsilbing judge sa Miss U.

Bukod pa rito ay naging instant photographer at videographer rin ang aktor para sa asawa.

Labis naman ang kilig na nadarama ng mga supporters para sa mag-asawa.

May mga fans rin ang hindi maiwasang hiling na sana ay makapag-uwi ang dalawa ng bonggang “souvenir” mula sa kanilang Miss Universe trip.

“Ay grabe na this! Baka may made in Israel baby soon. Kiliiiig DongYan!” comment ng isang netizen.

“Sana may mabuomg pasalubong kay Ate Zia at Kuya Ziggy! #BabyDantesNumber3 Love you DongYan,” saad naman ng isang netizen.

May ilan ring pumuri sa pagiging husband material ni Dingdong.

“Ang hands on ni Dingdong kay Marian. Stay inlove,” saad ng isang netizen.

“Yung ang ganda mo na tapos may ganyan ka pang asawa. Sana ol!” hirit pa ng isang netizen.

Well, malay naman natin kung may maiuwi ngang baby sina Marian at Dingdong.

Anyway, congratulations for raising our flag bilang parte ng selection committee. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maging parte ng pinaka-prestigious pageant na talaga namang inaabangan ng lahat saan mang sulok ng mundo.

 

Related Chika:
Dingdong Dantes naging water boy ni Marian sa Miss Universe 2021 prelims
Marian Rivera umani ng palakpakan at sigawan bilang Miss Universe 2021 judge

Read more...