Gigi kay Gerald: Nakita kong natural talaga sa kanya yung pagiging sweet

Gigi kay Gerald: Nakita kong natural talaga sa kanya yung pagiging sweet

HINANGAAN ng rising artist na si Gigi de Lana ang kanyang leading man sa “Hello Heart” na si Gerald Anderson.

Sa interview ng dalawa kay Bianca Gonzalez sa Cinemanews ay tinanong ng TV host ang singer-actress kung paano niya ide-describe niya si Gerald sa pamamagitan ng isang kanta.

“I will never be free from your embrace, sweet baby,” pagkanta naman ni Gigi.

Matapos ang pagkanta ng singer-actress ay tinanong naman siya ni Bianca kung bakit ito ang napili niyang kanta.

Pag-amin ni Gigi, lubos ang paghanga niya sa pagiging mabait ni Gerald hindi lang at sa mga kasamahang artista kundi pati sa lahat ng mga production staff ng kanilang teleserye.

Aniya, natural na raw sa aktor ang pagiging sweet sa mga taong nakapaligid sa kanya at laging tinatanong kung kumain na ba siya pati ang mga kasamahan nila.

“Si Ge, nakita ko sa kanya na natural talaga sa kanya ‘yung pagka-sweet. Sweet suya sa lahat ng tao, sa lahat ng staff,” paglalahad ni Gigi.

Dagdag pa niya, “Hindi lang sa akin. Sobrang genuine na tao niyan. Ge, grabe ka! Saludo talaga ako sa ‘yo. Ang bait bait mo!”

Natawa naman si Gerald sa sinabi ni Gigi sa kanya.

“Thank you. Thank you,” sey naman

“Tribute talaga ata to kay Gerald,” nakangiting saad ni Bianca bagay na sinang-ayunan naman ng dalawa.

Ipapalabas na ang “Hello Heart” na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Gigi de Lana directed by Raz DelaTorre sa Disyembre 15, 8pm sa iQiyi.

Iikot ang istorya sa hardworking na dalagang si Heart (Gigi) na magpapanggap bilang asawa ng isang business tycoon na si Saul (Gerald) para i-please ang lola niya na may sakit na dementia.

 

Related Chika:
Gerald puring-puri si Gigi de Lana bilang aktres: Outstanding! Malayo pa ang mararating niya…

Read more...