Neri, Chito 7 years nang kasal: You are the best dad and the best husband! Wala na kaming mahihiling pa!

Neri Naig at Chito Miranda

NAGPALITAN ng nakakakilig at nakaka-inspire na anniversary message ang celebrity couple na si  Neri Naig at ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Nag-celebrate ng kanilang 7th  anniversary bilang married couple sina Chito at Neri kahapon, Dec. 13 at siyempre, muli nilang ibinandera sa buong universe ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Sa kanyang Instagram account, nag-share si Neri ng kanilang family photo na may caption na, “Happy 7th year wedding anniversary, Dad! I love you so much!”

Kasunod nito ang abot-langit niyang papuri sa asawa, “You are the best Dad and the best husband! Wala na kaming mahihiling pa.

“Thank you for making us happy EVERYDAY. Palagi mo kaming pinapatawa at hindi mo nakakalimutang ipakita kung gaano mo kami kamahal.

“SEVEN YEARS NA? WOW! Matibay tibay helmet ko, haha! Joke lang! Mahal na mahal na mahal kita!!!” ang biro pa ni Neri sa OPM icon.

Samantala, nag-post din ang singer-songwriter ng kanyang mensahe para kay Neri kung saan sinabi niya kung gaano siya kaswerte sa pagkakaroon ng misis na tulad ng aktres. 


“I just love having a family. Sobrang enjoy lang. Para kang may permanent barkada na kapakanan at kaligayahan lang nila ang priority mo. It makes everything in life so simple,” simulang pahayag ng singer-songwriter.

Pagpapatuloy pa niya, “I had no idea it would be this much fun,” he continued. “Well, actually, sinabihan na ako dati ng pinsan ko na super saya nga daw, pero I guess wala pa sa sistema ko dati kasi I was young, and had different priorities.

“Kanya-kanyang timing lang talaga, I guess…and you should never let anyone (including your parents at yung makulit mo na Tita), rush you into things.

“‘Yung mga tipong ‘o…bakit di ka pa mag-asawa?’ or ‘o…di pa ba kayo magbe-baby?’ You’ll know when you’re ready. And when you eventually are, sobrang saya ng experience kasi yun na mismo yung gusto mo sa buhay.

“Kung hindi pareho yung trip mo sa trip ng iba, at may iba kang gusto sa buhay (example, maging single for life at mag-travel lang forever), don’t let anyone pressure you into doing something else.

“Life should be fun, at ikaw lang ang tanging nakaka-alam at makakapagsabi kung ano ang magpapasaya sa ‘yo. For me, more than anything, eto na ‘yun,” mensahe pa ni Chito.

Kung matatandaan, unang ikinasal sina Neri at Chito sa pamamagitan ng civil wedding ceremony sa isang restaurant sa Tagaytay City noong Dec. 13, 2014. 

Sinundan ito ng kanilang garden wedding kinabukasan kung saan nakasama naman nila ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Biniyayaan naman sila ng dalawang anak, sina Miggy at Cash na isang “pandemic baby”.

Neri may nakakalokang kuwento nang mag-dinner date sila ng asawa: Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga!

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

Read more...